Wednesday , December 1 2021

Aiko, tinalakan ng kliyente; Andrei, negosyante na

SOBRANG proud si Aiko Melendez sa kanyang panganay na si Andrei Yllana dahil negosyante na at katuwang niya ang non-showbiz girlfriend.

 

Inakala namin ay magkasama ang mag-ina sa mga gadget na ibinebenta ng aktres sa Gadgets All in One na more on personal protective equipment.

 

“Hindi, more on food si Andrei with his gf. Obra Lokal ang name ng business nila. Cakes and pastries sila,” say ng proud mom ng binata.

 

Sinilip namin ang Obra Lokal sa Instagram at oo nga, nakatatakam ang mga paninda nina Andrei at maraming umoorder.

 

Nag-enrol ngayon si Andrei sa kursong Automotive Technology dahil  mahilig siya sa kotse na mana sa amang si Jomari Yllana.

 

Going back sa mga ibinebenta ni Aiko ay napag-usapan nila ni Ogie Diaz sa FB Live kamakailan kung anong dahilan bakit pinasok na ng aktres ang online selling.

 

Ang katwiran ng aktres, “nag-start ito noong lockdown eh, alam mo naman ako Mader (tawag kay Ogie) napaka-active kong tao kaya nag-isip ako kung ano ang puwede kong gawin during my spare time.

 

“I thought of putting an online shop na mga anti virus necklace and sa totoo lang ang tubo ko (bawat item) is P150. So talagang libangan ko lang talaga and gusto ko lang talagang more on makatulong.

“Alam mo noong naisip ko mader ang sakit sa ulo kasi noong una talaga ako sumasagot sa inquiries tapos may mga client na demanding tapos tinatalakan ako. Sabi ko, bakit ko ba ito ginagawa sa halagang P150? Eh, ‘yung taping ko naman, ‘di ba (sabay kamot ng ulo). 

“Tapos minsan pa, tinatawaran ako. Eh, naaawa naman ako lalo na ‘pag OFW ang client ko, ‘yung tubo kong P150 obinibigay ko na lang kaya wala akong kita.

 

“Tapos heto pa minsan mga kagagahan ko sa shipping, siyempre ako lahat gumagawa sa Grab at Lalamove, kuwenta ko lahat, inventory, stocks. Tapos dapat pala ‘yung shipping fee siningil ko sa kanila (clients), ako nagbayad pa kaya abonado pa ako, ha, ha, ha. Nataranta ako kasi hindi nga ako sanay kaya nag-abono ako,” tumatawang kuwento ni Aiko.

 

Tawa rin ng tawa si Ogie sa pagbabayad ng aktres ng shipping fee.

 

Dagdag pa, “automatic ‘pag frontliners ang umorder hindi ko talaga tinutubuan kasi parang ‘yun ang advocacy ko. ‘Pag frontliner sa kanila na ‘yun, ‘yung tubo ko gift ko sa kanila.”

 

At ang promise pa ng aktres kapag bumongga nang husto ang online shop niya ay mamimigay siya ng gadgets sa frontliners.

 

Tinanong ni Ogie na baka may magpanggap na frontliners, “ay hihingan ko sila ng certificate o ID kung talagang frontliners sila,” sabi kaagad ni Aiko.

 

At may mga kliyenteng nagpa-impress na bumili ng 10 gadgets at gusto palang i-date si Aiko.

 

“Anti-virus necklace, sabi ‘I’ll buy 10 pieces and can I have your private number?’ Sabi ko, ‘no sir.’ Sabi, ‘I bought 10 akala ko kasama ang dinner date.’

 

“Sabi ko, ‘sir hindi naman po nakalagay sa online store namin na kasama ang dinner date.’ At saka ang worth ng date sa akin, sampung gadget, hello?” kuwento ng aktres.

 

Natawa si Ogie sa tanong niya sa kumareng Aiko niya, “sapat ba ang kinikita mo riyan para ikabuhay mo?”

“Hindi, ano ba nakakaloka naman!” mabilis na sagot ng aktres.  Sabay biro kay Ogie, “alam mo mader makakapag-retire na ako ha ha ha, siyempre hindi. Hobby ko lang to, wala lang akong magawa at gusto ko ring makatulong at the same time kaya nga pinili ko ‘yung gadgets.

“Puwede naman akong magbenta ng pagkain kasi ito ang uso pero mas gusto ko ang gadgets kasi ‘di ba eversince this covid pandemic naging active talaga ako sa pagtulong sa tao, ‘di ba? I’ve been raising funds to help the hospitals, so in my own little way of helping people rin. Hindi ko naman maibigay ng libre itong mga gadget ko kasi hindi naman ako bilyonaryo. Hayaan n’yo ‘pag naging si Bill Gates ako mamimigay ako ng libre in Jesus name.”

 

Samantala, as of now ay wala pang natatanggap na tawag si Aiko kung kailan ulit babalik sa taping ng Primadonnas ng GMA 7.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply