Wednesday , June 24 2026

Liza, may panawagan — Hindi po ito ang panahon para mag-away-away

ISA si Liza Soberano sa mga talent ng ABS CBN 2.  Kaya naman nang magsara ito, labis siyang nasaktan.

 

Nakikiusap ang magandang aktres sa mga mambabatas sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, na sana ay bigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network.

 

Ayon sa aktres, mahalaga ito (prangkisa) hindi lang para sa kanya, kundi pati sa bayan, lalo na ngayong may pandemic dahil sa Covid-19.

 

Sabi ni Liza sa kanyang IG post, “It has been almost three months since the world has been put on pause due to this pandemic. Three months since the world has become full of uncertainties, anger and tear.

 

“So many changes have been made to adjust to a world in which we are at war with an enemy that can’t be seen.”

 

Dagdag pa ng girlfriend ni Enrique Gil, marami na ang nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa pagsasara ng ABS-CBN sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC).

 

“Marami na po ang nagbigay ng kanilang saloobin tungkol dito.May mga nagalit, nalungkot, at nasaktan. Meron ding natuwa.”

 

Pero para kay Liza, magkakaiba man ng mga pananaw at paniniwala, hindi ngayon ang panahon para mag-away-away.

 

“Hindi po ito ang tamang panahon para mag-away-away ang lahat. We all have different principles in our life and we all have the right to our own opinions.

“Pero kung mapapansin po ninyo, pride ang nananaig, and because of our pride and beliefs, we are forgetting what is truly important during these tough times, at ‘yun ang maging mabuting tao sa lahat.”

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …