Saturday , April 20 2024

Hashtag Nikko Natividad, nagtaray sa mga bashers!

JUST because Nikko Natividad happens to be a star of lesser magnitude, the netizens are indifferent to his stand against the bashers of ABSCBN.

But lately, even he is being bashed and treated cavalierly by the netizens.

Specially nang mag-post siya sa kanyang Twitter account last May 9 nang pagdepensa sa Kapamilya network.

Buong pananaray na sinabi raw ng isang netizen: “E ‘di maglipatan kayo lahat sa GMA.”

Nikko answered stoically na hindi iyon ang solusyon sa pagpapasara sa ABS-CBN.

“Ano tingin n’yo sa ‘min naghahanap lang ng apartment?” he countered.

Dahil dito, nabatikos si Nikko dahil supposedly sa kanyang matapang at cavalier tweet.

May nag-tweet pa ng may halong pang-aalaska na “parang tatanggapin ka naman sa GMA pag lumipat ka dun” at “parang may offer naman sa ‘yo ang GMA.”

Nagtaray rin ang ibang netizens sa pagdamay raw sa GMA-7 sa isyu ng closure ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

Nevertheless, Nikko didn’t contest their point of views.

“Hindi na ko mabibigla kung hindi nila gets meaning no’ng post ko,” he coolly said.

Idinagdag rin niyang hindi raw siya apektado sa matataray na tweets ng mga bashers.

“Salamat sa mga sumusuporta. Ok lang ako madlang pips.

“Pinipikon ko lang ‘yung mga basher at troll (kisses emojis) Last na ‘to.

“Sana kayanin ko na hindi na mang-asar (laughing emoji)

“Goodnight bashers at troll thank you at sobra n’yo akong nilibang.”

Kay Nikko pa rin, matatandaang nabigyan siya ng break sa show business dahil sa “Gandang Lalake” contest ng It’s Showtime last October 2014.

Siya ang naging grand winner na naging daan para matupad ang kanyang mga pangarap.

Dati siyang waiter at tubong Malolos, Bulacan.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *