Jillian Ward, patok sa TikTok; Sayaw na Squeaky-Clean Challenge, naka-3-M views

BAGUHAN man ang Prima Donnas star na si Jillian Ward sa patok na mobile app na TikTok, agad naman siyang sinuportahan ng fans at mga tagahanga.

Sa kauna-unahan niyang uploaded video na mapapanood siyang sumasayaw sa sikat na Squeaky-Clean Challenge mula sa kanta ni Sabby Sousa na Cream n’ Frosting, umabot ito ng higit 3-M views.

Wala pang isang linggong naka-post ito pero pinatunayan ni Jillian ang karisma niya sa Filipino audience kahit sa labas ng TV screen! Miss na miss na siya ng kaniyang fans sa paborito at top-rating serye sa hapon na  Prima Donnas sa GMA bilang si Mayi.

Sa ngayon, enjoy muna sila sa pagsubaybay sa TikTok journey ng teen actress.

 

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales