Thursday , June 4 2026
Carla Abellana Tom Rodriguez

Kasalang Carla Abellana at Tom Rodriguez ‘di muna matutuloy (Dahil sa COVID-19 pandemic)

SA PANAYAM ni Morly Alinio at Gorgy Rula kay Tom Rodriguez sa panggabing programa ng dalawa sa

DZRH TV, tinanong nila si Tom kung tuloy ba ang napapabalitang pagpapakasal nila ni Carla Abellana this year?

 

Ayon sa Kapuso hunk actor, malabo raw na magpakasal sila ni Carla ngayong taon na hindi normal ang sitwasyon dahil sa COVID-19 pandemic. Pero ayos lang naman daw sila ni Carla na araw-araw ay kasama niya at nagkaroon pa ng repeat ‘yung make-up challenge niya para sa nobya na siya ang gagawa ng make-up nito na maganda naman daw ang naging comment ng netizens.

 

Pero aminado si Tom, na mas madaling gumawa ng painting kaysa maging make-up artist.

 

Samantala, naitanong rin sa show kung may ginagawa bang charity project si Tom, para makatulong sa frontliners o sa mahihirap na kababayan na higit na nangangailangan ng mga ayuda.

 

Meron daw at magkasama sila ni Carla dito at ng ilang kapwa Kapuso stars. Nakapag-distribute na rin daw sila ng relief goods at pagkain para sa magigiting nating frontliners.

 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …