Kyline, na-enjoy ang pagkukudkod ng niyog

 

DOMESTICATED ang byuti ni Kyline Alcantara sa Bicol sa panahon ng community quarantine.

 

Habang nandoon, binalikan ni Kyline ang madalas niyang ginagawa noong bata pa siya–ang magkudkod ng niyog!

 

Bihasang-bihasa sa pagkudkod ng niyog si Kyline na ipinakita niya sa isang video sa Instagram.

 

Bukod sa simpleng buhay, naka-bonding din niya ang lolo’t lola habang nasa Bicol.

 

Pero kahit nasa Bicol, patuloy pa ring napapanood si Kyline sa no-contact online show ng All Out Sunday sa Facebook account ng GMA.

 

 

I-FLEX
ni Jun Nardo