Thursday , June 4 2026

Willie, palalawigin ang pagtulong ng Wowowin

TULOY-TULOY ang paghahatid ng saya at pag-asa sa pamamagitan ng live broadcast ng programang Wowowin sa TV at social media.

 

Nakabalik na rin kasi ang host ng programa na si Willie Revillame sa Maynila matapos maipit sa Puerto Galera dahil sa enhanced community quarantine. Ito’y para mas palawigin pa ang serbisyong hatid ng programa. 

 

Noong Lunes (April 13), unang beses na napanood ng Kapuso viewers  ng live si Willie sa TV at pati na sa official YouTube channel, Facebook page, at Twitter account ng Wowowin mula sa kanyang bagong studio set-up.

 

Aniya, kahit patuloy ang kanyang programa ay mariin silang sumusunod sa guidelines upang manatiling ligtas sa Covid-19. Kabilang dito ang paggamit ng face mask, pag-obserba ng physical distancing, at pagkuha ng media ID mula sa PCOO.

 

Paliwanag ni Willie, “Dapat ko bang gawin ‘to? Sabi ko, ‘Bakit hindi, maganda naman ‘yung pakay. Makakapagpasaya tayo.’ Sa ganitong buhay po, sa ganitong pinagdaraanan natin, dapat ngumingiti tayo, lumalaban tayo. Hindi tayo pwedeng sumuway sa mga sinasabi po ng pamahalaan. Maging masunurin tayo dahil po para sa ating lahat ‘yan.”

Araw-araw nang live mapapanood sa TV at sa social media ang Wowowin bago  mag-24 Oras sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …