Monday , May 20 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Provincial quarantine facility sa Bulacan, inirekomenda ni Governor Fernando

INIREREKOMENDA ni Governor Daniel Fernando ng Bulacan na magkaroon ng Provincial Quarantine Facility sa Bulacan para sa persons under monitoring (PUM) o mga taong may history of travel o history of exposure ngunit hindi kinakikitaan ng sintomas bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Aniya, ang pasilidad ay isang paraan upang maiwa­san ang exposure sa COVID-19 sa kanilang mga kapamilya na magka­ka­roon din ng mga naka­talagang health workers para eksklusibong tingnan at magbantay sa mga PUM.

May itatalagang sasak­yan na susundo at magha­hatid sa kanila patungo sa quarantine area.

Binigyang-diin ng gober­nador ang kahala­gahan ng paglayo o social distancing at ang wasto at madalas na paghuhugas ng kamay.

Bukod dito, umapela rin ang gobernador sa publiko na tigilan ang pagkakalat ng maling impormasyon o fake news at intindihin din ang ika­bubuti ng iba.

Inulit din niya na kumuha ng impormasyon sa mga opisyal na Facebook account ng Provincial Government of Bulacan, Bulacan Provincial Health Office, at opisyal na Facebook at Twitter accounts ng Department of Health na OfficalDOHgov at sa opisyal nitong website na doh.gov.ph.

Sa tala ng Provincial Health Office-Public Health, hanggang 14 Marso, 4:00 pm, umakyat sa 20 ang PUI sa Bulacan habang patuloy na hinihintay ang resulta ng laboratory test na magmumula sa RITM.

Nananatiling isa ang kompirmadong kaso ng COVID-19 na mula sa San Jose Del Monte City at ito ay kasalukuyang naka-admit sa isang ospital sa Metro Manila.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *