Thursday , June 25 2026

Superstar na si Nora Aunor naglaro sa Bawal Judgemental premyo ibinigay sa paring nag-aalaga ng mga bata

Patok ang guesting ng ating superstar na si Nora Aunor, bilang celebrity judge o tagahula sa Bawal Judgemental sa Eat Bulaga noong Sabado sa episode na Dabarkads na may malalang sakit ang partners in life.

Makikita mo na habang ipinahuhula ni Bossing Vic Sotto si Ate Guy sa walong kasali sa episode na iyon, ay nangingilid ang luha ng actress na ikinalulungkot niya siyempre ang mga kuwento sa mga hirap na pinagdaraanan ng mga nag-aalaga sa mga may sakit nilang Kapamilya.

Bale P35K ang natirang pera ni Ate Guy, na kanya namang ipinagkaloob sa kaibigang pari, na in-charge sa pag-aalaga ng mga street children.

Naku, kung bayong-bayong pa ang pera ng Superstar, ay siguradong pati ‘yung medication ng mga may cancer sa episode na iyon ay kanyang iso-shoulder. Ang Bawal Judge­mental ay hatid ng Skyflakes, Youngstown Sardines at IAM Worldwide.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …