Saturday , July 27 2024

Vilma, Nora, Sharon, at Maricel, ipagpo-produce ng pelikula ni Sylvia

ISA sa pangarap na gawin ni Sylvia Sanchez ang makapag-produce ng pelikula ngayong taon.

At kung magpo-produce siya ng pelikula ay gusto niyang kunin ang serbisyo nina Sharon Cuneta na isa sa paborito niyang aktres, ang Diamond Star na si Maricel Soriano, Star For All Season Vilma Santos, at Superstar Nora Aunor na ayon kay Sylvia, mata pa lang ay umaarte na.

Iniisip naman niya kung sino ang ipa-partner niya sa mga reyna ng showbiz.

Bukod dito, pangrap din niyang iprodyus ang pelikulang pagsasamahan nila ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde.

Sa ngayon ay busy si Sylvia sa shooting ng pelikulang Coming Home katambal si Jinggoy Estrada with Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Julian Estrada, Janna Agoncillo, Vin Abrenica, Martin Del Rosario, Ariella Arida atbp.. Ididirehe ito ni Adolf Alix Jr.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *