Thursday , June 25 2026

Aiko, napagkamalang buntis dahil sa dalas ng pagsusuka

HINDI buntis si Aiko Melendez! Ito ang paglilinaw ng aktres.

Nito kasing Huwebes, January 30 ay isinugod si Aiko sa ospital dahil suka siya ng suka.

Grabe ang pagsusuka ni Ako, na kahit habang nagte-taping siya ng Prima Donnas sa Pampanga, sa kalagitnaan ng eksena ay bigla siyang tatakbo sa isang sulok para sumuka.

Ayon nga sa Facebook post ni Aiko noong araw na iyon, ”I was in Pampanga this morning taping for ‘Prima Donnas,’ then during dinner time I was rushed to the hospital. Our Executive Producer decided to take me to the nearest hospital ‘coz I kept on puking.

“Dyahe while on take I had to literally run to the nearest blank spot to vomit . 

“Thank you, Ms Marissa Jesuitas-Hilario for taking care of me. You never left my side. And may standby ambulance and ang creepy ng feeling na nasa loob ka at ikaw ang patient. 

Thank you Lord hindi ako na-food poison. Siyempre panic attack also si VG he wanted to rush to Pampanga from Zambales. 

“Now my tummy is rumbling LBM naman. Hmmm I should take a rest now.

“Goodnight, peeps! And thank you sa mga taga-Pampanga love nyo si Kendra  

“Pasensiya na rin sa set namin sa abala po. Thanks baby Jay Khonghun na-stress kita kanina  Hindi po ako buntis Ha! Ha! Ha! Ha!”

Mabilis namang naka-recover ang aktres at sa kasalukuyan ay nasa bansang Japan para magpahinga kasama ang kasintahang si Zambales Vice-Governor Jhay Khonghun.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …