Friday , July 26 2024

Jayda, ‘di pa puwedeng ligawan

AYAW pa ng mag asawamg Dingdong Avanzado at Jessa Zarragoza na paligawan ang kanilang nag-Iisang anak na si Jayda Avanzado, na sinundan na rin ang yapak nila, isa ring singer.

Katwiran ng dalawa, Jayda is only 16, na para sa kanila ay bata pa to entertain suitors and to have a boyfriend.

Ang maganda kay Jayda, alam niya kung anong priority niya sa buhay. At hindi ang magkaroon ng boyfriend,” sabi ni Jessa.

Para kay Jayda, hindi rin naman siya nagmamadaling magka-boyfriend. Kaya okey lang din sa kanya na ayaw pa siyang paligawan ng kanyang mga magulang.  Nakikinig naman siya sa payo ng mga ito especially Jessa na hindi lang ina ang turing niya, kundi isa ring best friend.

She knows what is best for me,” sabi ni Jayda timgkol sa kanyang mommy.

Gayunman, aminado si Jayda na nagka-crush na siya. Very vocal siya sa pagsasabing crush niya si Daniel Padilla.

Bata pa lang siya at wala pa sa showbiz, ay hinahangaan niya na ang ka-loveteam at boyfriend ni Kathryn Bernado.  

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *