Wednesday , May 29 2024

Dahil sa travel ban… 300 aliens stranded sa PH airports

MAY 300 Chinese at iba pang foreign nationals ang stranded sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) at iba pang airport sa bansa.

Sa Laging Handa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Bureau of Immigration spokes­man Dana Sandoval,  galing sa China ang foreign nationals na hindi na pinapasok sa bansa dahil sa travel ban na ipinatupad ng pamaha­laan bunsod ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Sandoval, nakikipag-ugnayan ang Bureau of Immigration sa Embahada ng China.

Nangako aniya ang pamahalaan ng China na magpapadala ng eroplano sa mga susunod na araw para sunduin ang kanilang mga stranded na kababayan.

Ayon kay Sandoval, may mga Chinese din na nasa bansa pero stranded ngayon sa mga airport sa pagnanais na umuwi na rin sa kanilang bansa.

Ayon kay Sandoval, nakapuwesto ang mga stranded na foreign national sa isang kuwarto sa mga airport.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

052824 Hataw Frontpage

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa …

052824 Hataw Frontpage

Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag  
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO

ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang …

Tacloban Leyte

Anti-government rally ng Maisug pumalpak

KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang …

Drug den sinalakay MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Drug den sinalakay
MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lugar sa lungsod …

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

MATAGUMPAY na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pasinayang pagtatanghal ng ‘Pustura,’ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *