Saturday , July 27 2024

Ai Ai, kuwela ang mga hirit sa D’Ninang; Angel Guardian, mahusay

TAWANG-TAWA kami sa bagong comedy movie na handog ni Ai Ai delas Alas mula Regal Films, ang D’Ninang.

In fairness, madalas ang hagalpakan sa sa isinagawang Red Carpet Premiere Night noong Lunes ng D’Ninang dahil sa mga nakatatawang eksena at hirit ng Comedy Queen. Pwede na ngang masabing Ai Ai is back at ibang-iba talaga ito. Kuwelang-kuwela.

Kung komedya ang hanap nyo, tiyak na hindi kayo mabibigo sa pelikulang ito. Gusto kong palakpakan si Direk GB Sampedro dahil magaling pa siyang magdirehe ng komedya.

Napahanga rin kami sa galing ni Angel Guardian na introducing sa pelikula. Talagang nagmarka ang role niya bilang anak-anakan ni Ai Ai na pinagselosan si Kisses Delavin, ang tunay na anak na napabayaan at iniwan sa pangangalaga ng ama, nang dumating sa buhay nila. Magaling si Angel lalo na roon sa eksenang sinampal niya si Kisses kaya sinampal din siya ni Ai Ai. Ramdam namin ang selos at galit niya. Kaya naman mapapa-bravo ka sa kanya dahil parang sanay na sanay na siya umarte.

Natuwa rin kami sa role ni McCoy de Leon bilang manliligaw ni Kisses. Magaling magbitaw ng mga hirit na tila corny pero cute na paraan ng panliligaw kay Kisses. Magaling din siyang magp-cute at magpakilig ha.

Okey din sina Kiray Celis bilang kasambahay ni Ai Ai at si Lou Veloso na agaw-eksena sa kanilang mga punchline.

Showing na bukas sa mga sinehan ang D’Ninang na hindi lang magpapatawa kundi magpp-iyak din at mag-iiwan ng magandang mensahe sa mga manonood.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *