Thursday , June 4 2026

PWD, 3 paslit na mag-uutol, ina, isa pa patay sa sunog

PATAY ang anim katao na kina­bibilangan ng person with disability (PWD), tatlong paslit na magka­kapatid, ang kanilang 36-anyos ina, at isa pang lalaki sa sunog na naganap nitong Huwebes nang madaling araw sa Yuseco Street, Tondo, Maynila, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Jean Paul Esguerra, PWD, 42 anyos; si Odessa Conde, 36, ina ng tatlong magkakapatid na sina Yhancy Kieffer Conde, 8 anyos, Yara Courtney Conde, 9, at Yhexel George Nicholas Conde, 10 anyos, pawang naku­long sa loob ng bahay; at Aquelina Romero Javana, a.k.a. Jack, 44 anyos.

Huling nakita ang bangkay ni Javana, sa kanilang banyo, dakong 8:45 am.

Anim din ang iniulat na sugatan kabilang anmg padre de familia ng mag-iinang natupok sa apoy, na kinilalang si George Conde, 43 anyos, kasa­lukuyang inoobserbahan sa ospital dahil sa 3rd degree burns.

“Allegedly ‘yung tatay paglabas niya gina-guide na niya pamilya niya e. Probably na-block siguro sila ng makapal na usok kaya naiwan ‘yung apat,” pahayag ni Fire Insp. John Joseph Jalique, hepe ng Manila Fire District Intelligence and Investigation Unit.

Tinatayang 40 pamil­ya ang nawalan ng tira­han.

Aabot naman sa P100,000 ang halaga ng pinsala.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay ng isang Encar­nacion Lotero, 2:40 am at naideklarang fire out dakong 7:14 am.

Nagsimula ang sunog sa Narra St., na kumalat hanggang sa Katamanan St., malapit sa panulukan ng Yeseco St., sakop ng Barangay 230 at 222 sa Tondo.

Mabilis na itinaas sa ika-3 alarma ang sunog bago naideklarang under control.

Sa kaugnay na ulat, pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang Eduardo Lotero, sinabing asawa ni Encarnacion, upang pagpaliwanagin sa hinala ng mga kapitbahay na siya ang sumunog sa kanilang bahay nang hindi makita ang misis.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng mga awto­ridad sa nasabing insi­dente ng sunog.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …