Thursday , June 25 2026

Direk Yam, kapuri-puri sa paggawa ng horror

Sa kabilang banda, pinuri si Direk Yam sa kanyang mga kakila-kilabot na pelikula tulad ng Aurora (2018), The Road (2011), at Sigaw (2004), na nagwagi siya ng Special Award sa Brussels International Festival of Fantasy Film (BIFFF).

Kaya naman natanong ang director ukol sa kung paano nga ba nakagagawa ng horror movie. Aniya, ”I want to see what’s real out there and I translate them into (a) real scary (story) because that has a connection to a lot of people…It becomes relatable.  And when you translate that into something horrifying, it touches people’s fears, nightmares and skeletons in their closet.”

Sinabi pa niyang, ”location is another character in a horror film.  It is where fear and paranoia are created.”

Ang pahayag niyang ito ay pinatutunayan ng movie trailer.  Sa ilang eksena, makikita si Yam na nag-iisa sa pasilyo habang ang mga ilaw ay patay-sindi, may isang kuwarto na matatagpuan ang mga bangkay na tila muling nabuhay.

Sinabi pa ni Direk Yam na mahalaga rin ang musika para paigtingin ang kilabot sa pelikula. Kaya naman muli siyang nakipagtambalan sa mga taong naging responsible sa award-winning music and sound ng pelikulang Aurora na sina Oscar Fogelström  at Albert Michael Idioma.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …