Friday , May 24 2024

Panelo nangoryente… Digong ‘ayaw’ kumampi sa US

HINDI kakampi ang Filipinas sa Amerika sa pakikipaggirian sa Iran.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon taliwas sa sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kakampihan ng Filipinas ang US kapag may nasaktang Pinoy sa alitan ng Amerika at Iran.

“I would not like it, it was just a projection,” ani Duterte sa panayam.

Magpapadala aniya ng special envoy sa Iran at Iraq upang makipag-usap sa pamahalaang Iran at Iraq hinggil sa ligtas na paglikas sa libo-libong mga Pinoy roon.

Kaugnay nito, binig­yan diin ni National Security Adviser Her­mogenes Esperon Jr., na ang proteksiyon at kaligtasan ng mga Filipino sa Gitnang Silangan ang pangunahing prayoridad ng administrasyong Duter­te at hindi ang pagkiling sa ano mang panig sa girian ng Amerika at Iran.

Aniya, kaibigan ng Filipinas ang US at may diplomatikong relasyon sa Iran, Iraq, at iba pang mga bansa sa Gitnang Silangan kaya hindi makikisawsaw sa tensi­yon dulot nang pagpaslang ng Amerika kay Iranian general Qassem Soleimani.

Kaugnay nito, inata­san ni Pangulong Duterte sina Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Abdullah Mama-o at Environment Secretary Roy Cimatu na magpunta sa Iran at Iraq upang ayusin ang preparasyon sa paglilikas ng mga Pinoy roon saka­ling lumala ang tensiyon.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng …

052324 Hataw Frontpage

14.97 % WACC nanatili mula 2010
MERALCO FRANCHISE RENEWAL IBASURAv — SOLON

INISA-ISA ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang mga dahilan para ibasura ang panukalang …

052324 Hataw Frontpage

Sa bantang pag-aresto ng China 
PH NAVY KASADO

NAKAHANDANG ipagtanggol ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Pinoy kapag inaresto ng Chinese Navy sa …

shabu drug arrest

3 kelot arestado sa ilegal na droga

NAARESTO ang tatlong suspek sa isinagawang drug buybust operation ng Muntinlupa City Police Station Drug …

Ferry boat

Babala ng MMDA
ILOG-PASIG HINDI MADARAANAN NG FERRY BOATS

NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *