Sunday , August 14 2022

Nag-out ng kanilang gender sa “Bawal Judgemental” pinaluha ang EB Dabarkads studio audience and viewers

Number one segment ngayon sa Eat Bulaga ang Bawal Judgemental na bukod sa very entertaining ay araw-araw na kapupulutan ng aral ang mga topic o iba’t ibang kuwento ng totoong buhay.

At kahit sobrang selan ng issue sa mga grupong kalahok rito ay naitatawid nang maayos ng Eat Bulaga at mga host ng segment na sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon kasama ang JOWAPAO (Jose, Wally at Paolo), Pauleen Luna, Allan K, Ruby Rodriguez, Maine Mendoza atbp.

Last Saturday, muling pinaluha ng mga nag-out ng kanilang gender sa Bawal Judgemental ang mga studio audience at televiewers, maging sina Bossing at iba pang host ay hindi napigilang mapaiyak sa kuwento ng mga naglantad ng kanilang tunay na pagkatao na ngayon lang nalaman ng kani-kanilang pamilya. Humingi sila ng tawad sa kanilang pag-a-out.

Marami naman ang naaliw sa guest celebrity no’ng araw na iyon na si Melanie Marquez na buong ningning na sinabi sa national TV na anak niya sa pagkakasala si Manuelito Lapid na anak niya kay Senator Lito Lapid na kasama niya sa APT Studio.

Congratulations sa bumubuo ng Bawal Judgemental na laging wagi sa ratings!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply