Saturday , July 4 2026

Maricel Morales, happy sa pagbabalik sa pag-arte

IPINAHAYAG ni Maricel Morales ang pagkabilib sa mga kasamahan sa TV series na The Killer Bride na tinatampukan ni Maja Salvador. Kasama na rito ang mga tao sa likod ng seryeng pinamamahalaan ni Direk Dado Lumibao.

“Grabe ang bilib ko sa creatives ng show. Sa mga writers, kasi ang tindi talaga ng plot-twists. ‘Yung tipong akala mo nahulaan mo na ang next na mangyayari, tapos habang binabasa ko ang script parang napapa, ‘Ay pucha! Naisip nila ‘to?’

“Sobrang galing ng show and grabe rin ang puso na inilalagay ng mga kasama ko sa show. I don’t mean just the artistas, kasi ‘yun obvious, kita mo naman sa bigayan ng acting gabi-gabi. ‘Di matata­waran ang performance ng bawat isa, pero iba rin ang production, mga unit at directors namin. Lahat, makikita mo talaga dedikasyon ng lahat sa show na ito,” saad ni Maricel.

Ano exactly ang role niya rito? Ang role ko po is Aurora, ang nanay na nag-iwan kay Emma (Janella Salvador) sa simbahan. Hindi ko puwedeng i-classify na bad ‘yung character ko. More on torn and clipped ang kamay. Kasi, parang dahil ‘yung safety ng buhay nila ng anak niya ‘yung concern niya and also, to make up for the lost times sa tagal na panahon na nagkahiwalay sila kaya parang napupuwersa siyang sumu­nod sa utos sa kanya ng antagonist ng show (killer groom). If only to secure na hindi rin sila papatayin.”

Nabanggit din niyang masa­ya siya sa pagba­balik-acting. “Masaya po ako na I’m back to acting, kasi since bata po talaga ako, parang there was never a day na ‘di ko pinangarap maging artista. Iba po ang sense of fulfillment ko ‘pag nagagawa ko ang isang bagay na talagang mahal ko at ‘yun ang pag-arte.

“‘Yung politics po ‘di ko pinipilit ‘yan. I tried the last time for a single post when I ran as VM sa Angeles City and di po ako pinalad. I always believe that God will bring you kung saan ka mas magfo-flourish. Maybe for now, hindi ako roon. I’m not saying never again pero I wait patiently where my fate will bring me, where I am meant to be,” nakangiting saad ni Maricel na isa ring BeauteDerm ambassadress.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

LJ Reyes Philip Evangelista The Village Cookie

LJ Reyes nagbukas ng negosyo sa Amerika

MATABILni John Fontanilla TULUYAN nang iniwan pansamantala ni LJ Reyes ang showbiz at masaya nang naninirahan sa …

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne magpapakasal na sa 2027

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang nag-aabang sa kasalang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya naman …