Friday , May 24 2024

The Killer Bride umabot na sa season 2 at malapit nang mapanood sa “iWant”

Sa thanksgiving presscon ng The Killer Bride ay buong ningning na nagpasalamat si Maja Salvador at co-stars sa suportang ibinigay ng manonood at ng press people sa kanilang teleserye na umabot nang dalawang season na ang original target ay one season lang at kinompirma ito ng director ng top-rating teleserye na si Direk Dado Lumibao.

Bukod pa riyan ay nagkamit ang nasabing drama TV series ng all-time hight national TV rating na 25.6. At sa nalalapit nilang pagtatapos sa kuwento ni Maja ay marami silang panggulat na eksena sa The Killer Bride at simula na ang patayan kaya dapat ay abangan raw ito ng kanilang viewers.

Mapapanood na nga ang pinakamatinding laban nina Camila (Maja Salvador), Vito (Geoff Eigenmann), Emma (Janella Salvador), at Elias (Joshua Garcia)  para sa kanilang buhay ngayong nabunyag nang si Alice (Precious Lara Quigaman) at ang killer groom ay iisa, dahilan para sama-sama nilang patum­bahin ang kinakata­kutang kalaban sa nalalapit na pagtatapos ng “The Killer Bride.”

Tuluyan nang natuldukan ang espekulasyon ng mga manonood noong Biyernes (13 Disyembre) sa paglitaw ni Alice bilang ang killer groom na walang habas na pumatay ng mga inosenteng tao sa Las Espadas.

Pero ang pagkakabulgar ng kanyang pagkatao ay hindi makapipigil sa masasama niyang plano, lalo sa paghihiganti niya laban kay Camila. Kaninong buhay nga aya ang susunod na malalagay sa peligro?

Samantala, mas marami pang karumal-dumal at kontrobersiyal na krimen sa Las Espadas ang mauungkat dahil napapanood na ngayon ang extended version ng serye na “The Killer Bride: Killer Cuts” sa iWant.

Matutunghayan sa “The Killer Bride: Killer Cuts” ang unrated at uncensored na mga eksena ng primetime serye na magbubunyag sa mga sekretong pilit gumugulo sa isipan ng mga manonood at magdadala sa kanila sa malagim na huling sandali ng mga karakter sa serye.

Dapat din abangan ang paglipad ng sky lanterns sa palabas dahil sa bawat paglipad nito, isang buhay ang mawawala. Ito rin ang simbolong dapat tutukan ng mga manonood sa pagpunta nila sa iWant dahil ang episodes na may logo ng sky lantern ang naglalaman ng “Killer Cuts.”

Bagama’t nalalapit na ang pagtatapos ng nasabing serye ay patuloy pa ring namamayagpag sa ere ang “The Killer Bride” at nangunguna sa national TV ratings tuwing gabi. Patunay sa masugid na pagsubaybay ng mga manonood sa buong bansa. Panoorin ang huling  season ng “The Killer Bride” gabi-gabi sa ABS-CBN.

Para sa karag­dagang impormasyon, i-follow lang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

About Peter Ledesma

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *