Saturday , July 27 2024

Sunday Pinasaya, hanggang Dec 29 na lang; kontrata sa GMA, tapos na

KINOMPIRMA mismo ni Rams David na sa December 29 ang huling episode na eere ang Sunday PinaSaya!

At para malinawan ang mga kung ano-anong naglalabasan tungkol sa pagtatapos sa ere ng Sunday musical variety show ay sinagot ni Rams ang mga katanungan namin sa kanya.

Ano ang unang naging reaksiyon ni Rams nang nalamang aalisin na nga ang SPS?

“Ano naman eh, parang… alam naman namin kasi it’s contract, contractual kasi ‘yung show.”

Talagang magtatapos na ang kontrata sa GMA ng SPS ngayong December, na blocktimer ang SPS sa Kapuso Network dahil produced ito ng APT EntertainmentInc. na isa sa mga namumuno si Rams.

So it’s a finished contract so, okay lang, hindi naman kami tinanggal, tinapos ‘yung kontrata. Umabot po kami ng four years and four months.”

Iyon ang talagang duration ng kontarata nila sa GMA?

Yes iyon ‘yung latest, ikaapat na taon, na-extend pa kami ng ilang buwan.”

Consistent na mataas ang rating ng SPS, hindi ba sila nagulat na sa kabila ng tagumpay ng show ay aalisin pa rin?

“Siyempre it’s up to the network eh, kung ano ‘yung plano nila so, we respect their decision naman so okay lang naman. Happy kami na tumagal na kami ng ganoong maraming taon, at marami kaming napasaya.

“That’s important, eh! ‘Yung naibigay namin ‘yung maganda sa viewers.

At saka tumatak sa kanila, na minsan sa buhay nating lahat sa Pilipinas, may isang ‘Sunday PinaSaya’ na lumabas sa television for four years or more than four years na nagpasaya sa kanila,” sinabi pa ni Rams.

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *