Friday , June 26 2026

Banta ni Duterte: Suspensiyon ng habeas corpus vs water concessionaires

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na sususpendihin ang writ of habeas corpus kapag nabigo ang mga abogado ng gobyerno at mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nagbalangkas ng mga kasunduan sa Manila Water at Maynilad noong 1997.

Inihayag kagabi ng Pangulo ang kanyang paanyaya para sa isang pulong sa MWSS executives at government lawyers noong 1997 upang marinig ang kani­lang paliwanag bakit pumasok sa water con­cession agreements na dehado ang pamahalaan at ang publiko.

“Yung mga abogado noon kung ayaw nilang pumunta rito ‘e ‘di I will drag them. Then if you will force my hand, I will throw my last card. Ayaw ninyo? O sige. I will suspend the habeas corpus at hilahin kayo. Widespread economic sabotage,” aniya.

“Ayaw ninyong pumunta rito? Gusto ko magharap silang lahat dito sa akin. Isa-isahin ko sila, ang abogado ng p*t*ng*n* gumawa ng kontrata. Sino ‘yung mga opisyal ng MWSS? Tanungin ko sila, what the f*ck did you do and screwed the country?” dagdag niya.

Nagbanta rin ang Pangulo na kukunin ang lahat ng ari-arian ng Manila Water at Maynilad kapag hindi siya nakon­tento sa paliwanag hinggil sa mga kontrata.

Ang pahayag ay gina­wa ng Pangulo matapos sabihin ng mga pinuno ng dalawang water con­cessionaires na hindi na nila kokolektahin ang P10.8 bilyong compen­sation sa gobyerno na iniutos ng Singapore-based arbitration court.

“Now, ‘pag hindi ako ma-satisfy, I will expropriate everything. Kunin ko lahat. Magde­manda ka nang mag­demanda tutal dalawang taon na lang, wala na ako,” sabi ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

Maynilad, Manila Water
bumigay kay Duterte

BUMIGAY ang Maynilad at Manila Water sa kagustohan ni Pangu­long Rodrigo Duterte na hindi siya papayag mag­bayad ang gobyerno sa concessionaires ng tubig ng mahigit P11 bilyon sa kasong isinampa laban sa gobyerno sa Singapore Permanent Court of Arbitration.

Sa pagdinig ng House committee on good govern­ment kahapon, sinabi ni Jose Almendras, presidente at CEO ng Manila Water; at Ramon­cito Fernandez, presidente at CEO ng Maynilad, hindi na sila maghahabol sa gobyerno.

“Hindi na namin haha­bulin ang P7.4 billion,” ani Almendras habang sinabi ni Fer­nandez na, “sang-ayon sa kagustohan ng Presidente at hindi na namin hahabulin ang arbitration award namin.”

Ang dalawang con­cessionaire sa tubig ay nagsampa ng kaso sa Permanent Court of Arbitration na nakabase sa Singapore bunsod ng pagbasura ng Metro­politan Water and Sewerage System (MWSS) sa hinihingi nilang pag­taas sa singil ng tubig.

Bukod dito, gina­waran ng mahigit P3 bilyon ng Singapore based PCA ang Maynilad mata­pos tanggihan ng gobyer­no ang kanilang petisyon na magtaas ng singil mula 2015 hanggang 2017.

Sinabi rin ng Maynilad at Manila Water na ipag­papaliban nila ng pag­tataas sa singil sa tubig sa susunod na taon.

Sa Susunod na pag­dinig, ipinatawag ng komite ang mga abogado ng gobyerno na may kaug­nayan sa agreement ng concessionaires at ng MWSS kasama na si dating Solicitor General Florin Hilbay.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …