Sunday , June 28 2026

Jerald, makakapag-‘Probinsyano’ na ngayong nasa Viva na

IGINIIT ni Jerald Napoles na maayos ang pag-alis niya sa bakuran ng Triple A para lumipat sa bakuran ng Viva. Five-year, 10 picture contract ang pinirmahan ng theater actor.

Ayon kay Jerald, hindi siya inimpluwensiyahan ni Kim sa paglipat. ”Ako po kasi nagsimula akong theater actor so, pagpasok ko po ng showbiz, ang gusto ko lang po ay umarte lalo na po sa pelikula kasi po mas malapit ang sensibilidad ng entablado sa pelikula. Isang malaking factor po ng paglipat ko po ‘yung mga pelikulang gagawin.”

Bagamat napag-uusapan naman nila ni Kim ang ukol sa Viva, hindi naman siya inimpluwensiyahan ng kanyang girlfriend.

Kung wala man si Kim sa Viva and if they’re going to offer me something like what they offered me I’ll still accept po. Kasi she has her own success already, parang I don’t want to be…

“Kahit dyowa po ako ni Kim I don’t want to live in the shadow of that success also. Medyo nauna naman po ako kay Kim sa industriya so meron na rin po akong pinapangalagaang brand,” ani Jerald.

Sa kabilang banda, hindi itinago ni Jerald ang excitement sa posibilidad na makapagtrabaho sa ABS-CBN lalo na sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Kung saan po may trabaho. Wala naman po akong network contract. Sa ngayon po kung ano ‘yung ibibigay tatanggapin ko.

“Pero sa ABS po kasi, kahit hindi po ako nakakapagtrabaho roon, ang mga kadikit ko talaga roon ay sina Coco (Martin) talaga, mga nakainuman. Tapos si Coco po talaga even before ‘Probinsyano’ he called me personally at sinabi niya na mayroon siyang project na gusto niya ay kasama kami ni Pepe Herrera. And then ‘Probinsyano’ came about but during that time there’s ‘Sunday Pinasaya.’”

Nakasama ni Jerald si Coco sa pelikulang My Lady Boss kaya naging close sila ng aktor. Kasama rin doon si Pepe Herrera.

Hindi naman masagot ni Jerald ang dahilan ng napipintong pagkawala ng Sunday PinaSaya.

Hindi na nila nasabi sa amin.We were just informed that we have a few episodes left. So, let’s do our best.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …