Saturday , July 27 2024

Maraming naho-hook sa “Bawal Judgemental” segment sa Eat Bulaga

Yes waging-wagi sa Dabarkads viewers ang bagong segment na “Bawal Judgemental” napapanood araw-araw sa Eat Bulaga na majority ng players o tumatayong daily judge ay Kapuso stars.

Napaka- brilliant ng ideas ng writers ng Bulaga at naisip nilang gawin ang nasabing segment na kuwento ng totoong buhay na makadaragdag ng kaalaman sa manonood at may matututuhnang aral.

“Kaya po ako, pagdating ng oras ng Bawal Judgemental, nakatutok na ako, kailangang matapos ko ang segment na ito, mayroon kang aral na matutuhan, bawal ang manghusga, bka sau ang bwelta,,,” komento ng isa sa diehard dabarkads sa comment box sa official Facebook Fan Fage ng Bulaga.

At matindi ang hulaan dito kaya kailangan o dapat ay matalas ang memorya mo para tama ang guess mo.

By the way, isa ang portion na ito sa nagre-rate sa EB at marami na talaga ang mga naho-hook rito.

Ilan sa mga artistang naglaro na sa Bawal Judgemental ay sina Maricel Soriano, Cherie Gil, Sunshine Dizon, Jasmine Curtis, Ken Chan at marami pang iba.

Sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon ang mga host nito kasama sina Dabarkads Jose Manalo, Wally Bayola Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Luane Dy at Allan K.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *