Monday , August 8 2022

The Heiress, kawalan ng MMFF; Maricel, wala pa ring kupas

FEELING Metro Manila Film Festival entry na ang pinanonood namin noong Martes ng gabi dahil sa walang patlang na sigawan ng mga nanonood ng advance screening ng The Heiress ng Regal Entertainment Inc.. Nanghihinayang pa rin kami na hindi nga nakapasok ang The Heiress sa MMFF dahil ganitong klase ng pelikula ang masayang panoorin sa mga ganoong panahon.

Nakikini-kinita ko nang isa sana ito sa pipilahan sa MMFF.

Gayunman, tagumpay si Direk Frasco Mortiz at Regal na manakot dahil umpisa pa lang, parang isusumpa mo na ang pelikula. Kaagad itong nanggulat at nanakot kaya naman si Maja Salvador (na naroon para suportahan si Janella Salvador) at boyfriend nitong si Rambo Nuñez ay ‘di nakatiis at lumabas na agad ng sinehan.

Ayokong magdetalye ng mga pangyayari sa The Heiress dahil mas magandang panoorin ninyo ito dahil kung mahilig kayo sa horror, ito ang dapat ninyong panoorin.

Maging sina Arjo Atayde, na sumuporta kay Maricel Soriano at Pepe Herrera (para kay Janella) ay umaming natakot din.

“Nawala ‘yung mga katabi ko,” sambit ni Arjo nang makausap namin ito pagkatapos ng pelikula. ”Kung ilang beses akong napasigaw at nagulat. Maganda ang pelikula at pinakapaborito ko ‘yung confrontation scene nina Inay Marya at Sunshine, at ‘yung confrontation scene rin nina Inay at Janella. Ang galing!,” kuwento pa ng aktor na kitang-kitang excited sa pelikula.

“Natakot ako at ilang beses din akong napasigaw. Mga 11 yata iyon,” ani Pepe. “Baka kailangan ko at ng GF ko na kasama kong manood na mag-rosary para magbanlaw. Nakakatakot talaga.”

Lahat ng lumabas ng sinehan ay tatawa-tawa sa experience nila sa loob ng sinehan. Paano naman, nakakapagod ang sumigaw ng sumigaw. Kaya nga kung mahina-hina ang puso mo, hindi ito para sa iyo.

Ang galing ni Maricel! Talagang wala pa rin siyang kupas. ‘Yung nakatitig pa lang at sa tuwing ipo-pokus ang mukha niya, matatakot ka na agad kahit wala si mamalarang. Wala pang ginagawa iyon ha, nakatitig lang. Kaya tama ang tinuran ni Arjo na sa confrontation scene nila nina Sunshine at Janella, ibang klase ang acting na iyon ni Maricel. Kaya nga napapalakpak ang audience eh. Ang galing pa rin ni Maria sa pagbibitaw ng dialogue. Ito ‘yung lakas ng isang Maricel, idagdag pa ang mata niyang umaarte rin.

Kapansin-pansin naman ang chemistry nina Janella at McCoy de Leon. Sabi nga ni Janella, luma-lovelife kahit horror na. Nakipagsabayan din sila sa pag-arte kina Maricel at Sunshine Cruz, hindi sila nagpatalo, in fairness.

Nahirapan lang ako kay Sunshine nang mabarang siya dahil nagpasirko-siko ang katawan niya. Pero, okey na okey ang tandem din nila ni Maricel bilang magpinsan.

Hindi na kataka-taka na Rated B ang The Heiress ng CEB dahil maayos ang istorya at talaga namang nakatatakot. Kung gusto ninyo at hilig ninyo ang horror, watch na ninyo ito na palabas na ngayon sa mga sinehan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong …

Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na …

Kylie Padilla

Kylie kalmado na ang puso

I-FLEXni Jun Nardo PICTURE at video na hinihipan ang cake ng anak na si Alas ang naka-post …

Blind Item, Men

Male newcomer dagsa ang offer sa mga bading na gusto siyang maka-date

ni Ed de Leon NATATAWA kami habang nagkukuwento ang isang male newcomer. Hindi rin naman kasi …

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

Leave a Reply