Sunday , June 7 2026

Mahuhusay sa PH cinema at Sine Sandaan luminaries, pararangalan sa 37th Luna Awards

ESPESYAL ang gaganaping 37TH Luna Awards sa Nobyembre 30 dahil magaganap ito sa pagdiriwang ng sentenaryo ng Pelikulang Pilipino, dalawang klase ng tropeo ang igagawad, at nagsanib-puwersa sa unang pagkakataon ang Film Academy of the Philippines (FAP) at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Magaganap ang Luna Awards Night sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City, Taguig City. Inaasahang magiging star-studded ang 37th Luna Awards dahil dadaluhan ito ng mga beterano, batikan, at artista na pangungunahan nina FAP Director-General Vivian Velez at FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Isang Philippine Cinema extravaganza ang magaganap din dahil sa mga musical performance at production number na pakaaabangan, kabilang ang tribute para kina Willy Cruz at George Canseco na parehong bahagi ng Luna Awards Hall of Fame. Natatangi rin ang listahan ng mga guest, performer, presenter, nominee, at awardee. Ang Luna Awards Night ay ididirehe ng mang-aawit at manunulat na si Ice Seguerra.

Sampung araw bago ang Luna Awards Night, nagsagawa ang FAP at FDCP ng Nominees’ Night noong Nobyembre 20 sa Delgado.112 restaurant. Sa Nominees’ Night ipinakilala ang mga nominado sa mga kasapi ng press, kinilala ang mga natatanging gawa ng mga nominado, at nagkaroon ng mas mabuting pakikipagkaibigan ang mga kasapi ng showbiz at industriya ng pelikula.

Ang awards night sa Nobyembre 30 ay isang strictly invitational at Black Tie Optional na kaganapan. Magsisimula ang Red Carpet Ceremonies ng 5:30 p.m.. Susundan ito ng Cocktail Reception ng 6:00 p.m. at magaganap ang Awards Ceremony ng 8:00 p.m.. Ipalalabas sa pamamagitan ng livestream ang Red Carpet at Awards Ceremony sa FDCP Facebook page (na may username na Film Development Council of the Philippines).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …