Saturday , July 27 2024

Iza Calzado, binigyang-diin ang mahalagang mensahe ng pelikulang Culion

ANG mahusay na aktres na si Iza Calzado ay isa sa tampok sa pelikulang Culion na entry sa darating na 45th Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong Pasko. Mula sa pamamahala ni Direk Alvin Yapan, co-stars dito ni Iza sina Meryll Soriano, Jasmine Curtis-Smith. Joem Bascon, at iba pa.

Mula sa panulat ni Ricky Lee at prodyus ng iOptions Ventures Corp at Team MSB, ang Culion ay isang period film hinggil sa tatlong babaeng may Hansen’s disease na kilala rin sa tawag na ketong na sina Anna (Iza), Ditas (Meryll) at Doris (Jasmine). Sila’y pinagbuklod ng kanilang mga karanasan sa buhay noong panahong ang nasabing sakit ay pinandidirihan pa.

Nabanggit ni Iza, ang importanteng mensahe ng pelikula at ang social commentary nito. “Sobrang importante ng piyesa na ang hamon sa iyo, unang-una ay bigyang-buhay mo ‘yung character mo. Ikalawa, bigyan hustisya ang panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Alvin Yapan.” Wika niya, “So parang every scene, walang tapon. Kasi kapag nagsulat si Ricky Lee, lahat ay may ibig sabihin talaga.

“Interesting siya because it’s an ensemble casts, a strong one at that. Interesting siya because marami ang hindi nakaaalam na nagkaroon ng leper colony noon, immersion ng 1940s na Culion. Medyo challenging dahil kailangan naming mag-prosthetics, kailangan din naming damahin kung ano ba ang pinagdaanan ng mga taong may leprosy…Paano nila napag­tagumpayan ang stigma…”

Si Judy Ann Santos ay Mindanao ni Direk Brillante Mendoza ang entry na co-star naman si Allen Dizon. Nang usisain sa posibilidad na sila ang magsasalpukan dito sa pagka-Best Actress ni Juday, nakatawang sambit niya: “Kanya ang award, akin ang cash!”

Pero inilinaw ni Iza na hindi niya iniisip talaga ang award. “Hindi ko pa kasi iniisip talaga iyong award-award, kasi, sa totoo lang, today ang iniisip ko lang, gusto kong makapasok kami (sa MMFF), iyon ang wish namin.”

Mula sa panulat ni Ricky Lee at prodyus ng iOptions Ventures Corp at Team MSB, bahagi rin ng casts ng Culion sina Suzette Ranillo, Mike Liwag, Lee O’Brien, Nico Locco, Rex Lantano, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *