Wednesday , August 10 2022
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Puerto Prinsesa International Airport talamak din sa human trafficking?!

NAKARATING sa ating kaalaman na sa kabila umano ng mahigpit na pagbabantay ngayon sa Bureau of Immigration -NAIA at ilan pang airports laban sa sindikato ng human trafficking ay bigla raw nakatagpo ng kanilang ‘bagong daan’ ang mga nagpapalusot.

Ginagawa umanong salyahan ngayon ng mga turistang Pinoy worker ang Puerto Prinsesa International Airport sa Puerto Prinsesa, Palawan bukod sa Clark International Airport?!

Mismong ang hepe umano ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) na si Timmy “Mayora” Barizo ang dapat ay nakaaalam (o hindi alam?) ang kasalukuyang sitwasyon na ang mga Pinoy tourist na patungong Taiwan ay nagbabayad ng P80,000 kada ulo?

Huwaw?!

Paldo-paldo ang mga taga-PPIA?!

Ang aga ng Pasko nila, huh?!

Natagpuan umano ang ‘bagong minahan’ matapos madiskubre ng mga sindikato ng human trafficking na puwede palang mag-connecting flight sa Taiwan ang overseas Filipino workers (OFWs) patungo sa kanilang destinasyon sa Middle East.

‘Di ba may Hong Kong commercial flight din sa Palawan so hindi lang pala Taiwan ang puwedeng pagkakitaan doon?

Ang yummy naman pala ng lugar na ‘yan!

Kaya pala ganoon na lang kaagresibo ang Immigration Officers na magpadestino sa nasabing lugar dahil sa nakatagong mina.

No wonder kaya naman pala “bossing na bossing” ang feeling ng mga nadedestino riyan kapag natikman ang biyaya ng Palawan!

Ang siste, papayag kaya si BI-TCEU head Mayora Timmy na masalaula ang hindi pa polluted na lugar ng Puerto Prinsesa, Palawan?

Ating abangan!

 

KOLEKTONG
NG PRESINTO
ONSE

HATAW to the max ang isang lespu na alyas TATA HOKSON sa pangongolektong sa lahat ng ilegal na sugal, vendors, illegal parking, at KTV clubs sa teritoryo ng MPD Station 11.

NCRPO chief P/Gen. Debold Sintas ‘este Sinas, ito palang si Tata Hokson ang nag­pa­pakilalang opi­syal na bagman daw ng onse.

Naitimbre na po ba sa inyo ito?

Nagtatanong lang po!

 

SUGALANG
PUESTO PIJO
SA TAYTAY RIZAL

TIBA-TIBA at haping-hapi naman ang Taytay PNP sa sugalang pwesto pijo gaya ng drop ball, beto-beto at color games ni alyas R-NOLD BIGOTE.

Matanda at bata ay nalululong sa sugal-daya ni Bigote na mata­gal nang namama­yagpag sa Taytay.

Hintayin n’yo na lang na pasadahan kayo ni CALAR­BA­ZON Regional Director P/BGen. Vicente Danao at tiyak may masisibak diyan sa Taytay PNP!

 

NAIA TERMINAL 2
ESCALATOR
NAAYOS NA RIN!

KA JERRY, sa wakas naayos na rin ang matagal nang sirang escalator sa T2 arrival area. Malaking ginhawa ito sa mga senior citizen at PWDs.                

— Concerned airport employee
+63912494 – – – – 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Dragon Lady Amor Virata

Walang paradahan, hindi puwedeng bumili ng sasakyan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGING epektibo kaya ang inihaing panukala ni dating speaker …

Sipat Mat Vicencio

Tibay ni Carding

SIPATni Mat Vicencio SA GITNA ng nagsasalimbayang unos at maladelubyong sitwasyon sa loob ng Malacañang, …

Leave a Reply