Tuesday , May 28 2024

Serye ni Alden, titigbakin na (‘di makaalagwa sa ratings ng Starla)

DALAWANG bagay na gusto namin kay Alden Richards, honest at down to earth kahit kinikilala na siyang Asia’s Multi Media actor at kokoronahan pang Box Office King 2019 dahil sa pagiging giant hit ng Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan nila ni Kathryn Bernardo.

Dagdag pa ang dalawang award na natanggap nito ng magkasunod na taon.

Hinangaan din namin ang pag-amin niyang nahihirapan ang kanyang prime-time series na The Gift na makipaglaban sa ratings ng katapat na programa sa ABS-CBN, ang Starla na bida si Judy Ann Santos.

Base sa NUTAM People Ratings mula October 21 to 25, hindi pumapalo sa double digits ang ratings ng The Gift kompara sa ratings ng Starla.

We have to admit that we really struggle, pero as long as we’re being able to deliver a good message naman through the story, ‘yun naman talaga ‘yung objective ng ‘The Gift’ since we started, eh,” pahayag nito.

Inamin nito na talagang ginagawa nila ang kanilang makakaya at talagang wala silang humpay sa pagpapaganda ng istorya ng kanilang teleserye. Lahat sila ay nagtutulungan sa creative side ng serye.

“Ganoon ‘yung ginagawa namin but masaya naman kami. We’re very happy with the result of ‘The Gift’ and the effect on it sa mga tao and everyone who’s watching it.”

Kaya lang may plano ang management na ipasok si Bong Revilla sa naturang serye pero sinalubong daw ito ng pag-ayaw ng fans ni Alden. Nagmamatigas ang mga ito na kahit guest role lang si Senador Bong na any moment kung gustong tigbakin ang kanyang karakter ay madali lang gawin.

Pero may karagdagang tsika na kung pagdedesisyona na ng network na tigbakin ang kanyang karakter ay nakaplanong si Maine Mendoza ang ipasok.

Isang beterano at respetadong manunulat ang aming nakausap at sinabing nanganganib na ang serye ni Alden. Ibig sabihin, malapit nang tapusin.

“Tagilid na eh, huwag nang hintayin pang tumaob. Tapusin na at palitan ng isang mas magandang proyekyo,” mataray na say ng aming kausap.

Kapag nagkataon ay malaking dagok sa karir ni Alden na pagkatapos na tumaas nang husto biglang bulusok pababa.

(Alex Datu)

About Alex Datu

Check Also

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …

blind item woman man

Television/event host gigil sa baho ng male starlet

HATAWANni Ed de Leon MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung …

Leo Dominguez Ogie Alcasid

Manager ni Ogie na si Leo Dominguez namaalam na rin

NAUNA lang ng isang araw kay direk Carlo Caparas, namatay naman ang talent manager na si Leo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *