Friday , January 28 2022

Camille, Ken, Rita, Pauline, at Sanya, binigyan ng BeauteDerm negosyo package ni Ms. Rhea Tan

SOBRA ang kagalakan at hindi halos maka­paniwala ng limang Kapuso artists na sina Camille Prats, Ken Chan, Pauline Mendoza, Rita Daniella, at Sanya Lopez dahil muli na namang umiral ang pagiging sobrang generous ng BeauteDerm CEO na si Ms. Rhea Tan nang walang kaabog-abog ay binigyan niya ng negosyo package ang lima.

Sa ginanap na presscon recently para sa limang Kapuso artists na opisyal nang kapamilya ng BeauteDerm, sinorpresa niya ang lima sa biglaang announcement.

Panimula ni Ms. Rhea, “As I officially welcome you, gusto ko siyempreng mag-spread ng good vibes… mga anak dahil sabi ko nga binless (bless) ako too much ni Lord, dalawa lang naman ang anak ko, I only have one sister, she’s there si Bamby-ayan isa lang ang sister ko, gusto ko maraming anak.

Patuloy ng lady boss ng BeauteDerm, “At gusto ko na habang bata kayo, lagi kong sinasabi sa kanila na mag-ipon sila kasi very important iyan. Okay? You live within your needs and don’t forget to share your blessings always. Kasi you don’t know kung gaano mo napapasaya ‘yung isang tao sa maliit na bagay na naibibigay mo. Okay? So starting today, mag-choose na kayo ng mall na gusto ninyo because I’m giving you a negosyo package.

“Para sa next na i-open natin, matulad kayo kay Tita Maricel (Morales) na mayroon nang sariling Beautederm at si Tita Rochelle Barrameda has Beautederm Parañaque, BF Homes and she’s opening her second store at Ayala Mall, Manila Bay branch.

“So now, you’re not just an ambassadors, you are now officially a negosyante,” aniya pa.

Sa nakalipas na 10 taon, nasa forefront ang Beautéderm Corporation ng beauty and wellness industry dito sa bansa bilang isa sa mga pinaka-solid at pinakapinagkakatiwalaang lider nito.

Sa ngayon, mayroong mahigit sa isang libong resellers at distributors ang Beautéderm sa Filipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw-araw dito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping com­pany sa bansa. Mayroon ding physical stores sa iba’t ibang panig ng Filipinas ang Beautéderm na ang isa ay nasa Singapore, at mayroong halos 40 brand ambassadors ang kompanya na kinabibilnagan ng mga aktor at aktres, mga TV personalities, mga mang-aawit, beauty queens, mga politiko, comedians, at social media influencers.

Si Camille ay isang dramatic actress na nagbida sa ilan sa matatagumpay na palabas ng GMA-7 gaya ng Munting HerederaThe Borrowed WifeSecond Chances, at Wish I May. Isa ring major influencer si Camille sa mga kababaihan sapagkat isa siya sa mga hosts ng daily magazine talk show na Mars Pa More.

Isa naman si Ken sa mga top leading men ng Kapuso Network. Nagbida siya sa mga top-rating at critically acclaimed ana series gaya ng Destiny RoseMeant To BeMy Special Tatay, at ang current primetime top-rater na One Of The Baes. Bahagi rin si Ken ng ensemble of stars na tampok sa ikalawang season ng reality com­petition show na The Clash.

Kabilang si Pauline sa mga fastest rising young actresses ng network. Di matatawaran ang kanyang pagganap sa Little NanayThat’s My Amboy, at Kambal, Karibal. Bahagi rin si Pauline ng ensemble cast ng Love You Two na nakasama niya sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

Isang accomplished singer at actress si Rita na nagbida sa ilang critically acclaimed movies at top-rating TV series. Bida siya kasama si Ken sa My Special Tatay at currently, isa siya sa mga hosts ng The Clash at isa sa main stars ng One Of The Baes.

Sumikat nang todo si Sanya matapos gampanan ang papel ni Hara Danaya sa TV remake ng Encantadia noong 2016. Katatapos lamang magbida ni Sanya sa crime drama series na Dahil Sa Pag-ibig at patuloy siya bilang isang top at strong online influencer sa digital world.

Sambit ni Ms. Rhea. “My Beautéderm babies are increasing at masaya at proud akong i-welcome ang aking GMA Artist Center brand ambassadors sa aming lumalaking pamilya. Sina Camille, Ken, Pauline, Rita, at Sanya ay lima sa pinakamahuhusay na artists na aking nakilala and I am at awe with what they have ac­complished in their individual careers. Blessed ang Beautéderm to have them on board.”

Incidentally, congrats kina Ms. Sylvia Sanchez (The Face of BeauteDerm) at Ria Atayde dahil binuksan na kahapon ang kanilang second BeauteDerm branch located sa Roces Avenue, Quezon City.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta …

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Gerald Anderson Bea Alonzo

Bea at Gerald pwedeng magsama dahil sa kape

I-FLEXni Jun Nardo ABA, pareho palang endorser ng isang brand ng kape ang ex-lovers na …

Romano Vasquez

Burol ni Romano punumpuno ng bulaklak

HATAWANni Ed de Leon ANG latest, hanggang Biyernes pa raw ng gabi ang burol ng …

Leave a Reply