Saturday , August 13 2022

Mga artista sa Two Love You, ‘di naningil ng mahal na TF

SI Ogie Diaz ang isa sa producer at sumulat ng pelikulang Two Love You na showing na ngayon sa mga sinehan. Bida rito sina Yen Santos, Lassy Marquez, at Hashtag Kid Yambao.

Idea ko po itong ‘Two Love You.’ Kuwento po ito ng pagmamahal ng isang bakla sa kanyang itunuring na kapatid na si Yen. Dito masusubok ang kanilang sisterhood kung mati-tempt ba si Yen, na ‘yung syota ng kanyang kuya-kuyahan ay madadale rin ba niya. At mayroon din po ritong kuwento ng  totoo kong buhay na inilagay ko rito. Kayo na po ang tumuklas kung ano ‘yun,” ani Ogie tungkol sa Two Love You.

Sinabi ni Ogie ang dahilan kung bakit sina Yen, Kid, at Yassy  ang kinuha niyang bida sa Two Love You.

“Si Yen po kasi, nakasama ko siya rati sa seryeng ’Mutya’ at naging close na kami simula noon. At kontrobersiyal siya dahil sa serye nilang ‘Halik.’ Si Lassy naman, alam kong kaya niyang gawin kahit kaunting Ogie Diaz doon sa pelikula. Kaya niyang magmahal ng babae. Kaya niyang makipag-sex sa babae, na nae-excite na siya na gusto na rin niyang subukan sa tunay na buhay. Basta ituro ko lang kung paano ang tamang pagpasok… ng mga eksena,” natatawang sabi pa ni Ogie.

“Tapos si Hashtag Kid naman, alam kong barakong-barako siya kahit mahaba ang hair. Alaga ko po siya, talent po siya ng OgieD Talents. Kaya siyempre, siya na ang kinuha kong bidang lalaki.”

Dahil malalapit kay Ogie ang mga kinuha niyang artista sa Two Love You, kaya hindi siya siningil ng mga ito ng malaking talent fee. At tumawad pa nga siya.

Kung alam ninyo lang kung paano ko tinawad-tawaran ang talent fee ng mga artista ko. Alam ko ang talent fee nila, pero tumawad ako dahil first time ko naman at hindi naman ako malaking producer.”

Kasama rin sa Two Love You sina Arlene MuhlachMC Calaquin, at Dyosa Pockoh. Mula ito sa direksiyon ni Benedict Mique.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply