Friday , May 24 2024

World premiere ng Island of Dreams at Untrue, ginanap sa Tokyo Int’l. Filmfest

DALAWANG Pinoy movie ang nabigyang pagkakataon para maipalabas sa 32nd Tokyo International Film Festival sa Japan (TIFFJP), ito ay ang Food Lore: Island of Dreams ni Erik Matti na kabilang sa World Focus Powered ng Aniplex Inc.,  at ang Untrue ni Sigrid Andrea P. Bernardo na kasama sa The Japan Foundation Asia Center presents CROSSCUT ASIA #06: Fantastic Southeast Asia.

Ang Island of Dreams, ay bahagi ng food anthology series ng HBO Asia na Food Lore, na nagkaroon ng world premiere noong Oktubre 30. May pangalawa itong pagpapalabas noong sumunod na araw. Ipinamalas ng episode ni Matti ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-pokus sa lokal na lutuin. Tampok dito sina Angeli Bayani, Yul Servo, Ina Feleo, at Joey Marquez.

Maliban sa Island of Dreams, ipinalabas din ang Vietnam episode ng Food Lore na He Serves Fish, She Eats Flower ni Phan Ðãng Di.

Nagkaroon naman ng international premiere ang Untrue noong Oktubre 29 at ipinalabas ito ulit noong Oktubre 31. Ang Untrue, na pinagbibidahan nina Cristine Reyes at Xian Lim.

“What I like is doing psychological thrillers, because you can see a person and kill that person. With horror, there are so many entities and demons, I don’t know how to kill them,” ani Bernardo sa The Discreet Charm of Girl’s Horror Talk. Guest speaker si Bernardo sa CROSSCUT ASIA #06: Fantastic Southeast Asia symposium kasama ang kapwa Filipinang manunulat at direktor na si Antoinette Jadaone at Laotian-American direktor na si Mattie Do. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *