Sunday , August 14 2022

JC Santos, sobrang proud sa Motel Acacia

MAHIGIT pa sa isang scarefest ang horror film na Motel Acacia, na nagkaroon ng world premiere sa 32nd Tokyo International Film Festival sa Japan (TIFFJP) noong Nobyembre 1, Biyernes.

“As the creatures and monsters in Motel Acacia strike terror in our minds, it is the actions of humans that terrify me. This film seeks to understand our own apathy towards man’s cruelty in today’s society,” anang director nitong si Bradley Liew.

Sinabi pa ng Malaysian-born filmmaker na nakabase sa bansa, ”It is about the scars of colonialism in Southeast Asia and how it facilitates the vicious cycle of violence. It’s about a young man’s search for truth and the affirmation that there is good inside us all, no matter how dark the times are.”

Laking-pasasalamat ng award-winning producer na si Bianca Balbuena,  asawa ni Liew, na nabigyan sila ng pagkakataong i-showcase ang pelikula nila sa TIFFJP platform at sa global audience. ”We found a good place to launch ‘Motel Acacia’ here and we hope to get a good response also,” aniya sa 2018 Asian Film Commissions Network (AFCNet) Producer of the Year.

Kilala si Balbuena sa ilan sa mga pelikulang gaya ng Clash (Engkwentro) ni Pepe Diokno, A Lullaby to the Sorrowful Mystery (Hele sa Hiwagang Hapis) ni Lav Diaz, at Season of the Devil (Ang Panahon ng Halimaw).

Ani Balbuena, ”Yoshihiko Yatabe and Kenji Ishizaka, the head programmers, have been our good supporters. And even if we submitted late, they watched the film with great interest and wrote personal messages to us on how they love the film.”

Kabilang ang Motel Acacia sa walong pelikula sa Asian Future section para sa up-and-coming directors na may maximum na tatlong feature-length films.

Ang pelikula ay ukol sa isang lalaki, na ginampanan ni JC Santos, na hinarap ang isang demonyo. Namalagi ang masamang espiritu sa isang motel na ipinasa sa kanya ng tatay niya. Bahagi si Santos ng isang multinational crew at cast kasama ang mga actor na sina Jan Bijvoet at Nicholas Saputra.

“Sobrang honored bordering nakaiiyak,” ani JC na first time niyang i-represent ang bansa.

“Sobrang proud ako na nakakasali ang pelikulang Pinoy sa film festivals tulad nito. Sana ma-experience ito ng lahat ng actors sa bansa natin. Na-validate ulit ‘yung feeling ko na gusto ko talaga itong ginagawa ko,” sambit pa ng actor.

Sa kabilang banda, hindi na newbie si Balbuena sa TIFFJP”Tokyo IFF has always had a special place in my heart ever since Pepe Diokno’s ‘Above The Clouds’ competed here,” aniya.

Excited na ibinalita ni Balbuena na sold out ang second screening ng Motel Acacia sa TIFFJP 2019. Pinuri niya rin ang Picture Tree International at XYZ Films sa pagse-secure ng distribution sa ibang  bansa.

Pagkatapos sa Japan, ipalalabas din ang Motel Acacia ngayong Nobyembre sa Taipei Golden Horse Film Festival sa Taiwan. Ito rin ang magiging closing film sa Jogja-NETPAC Asian Film Festival sa Indonesia.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply