Friday , February 3 2023

Sarah, tinalo ni Kim Molina; Unforgettable, ‘nakalimutan’

NOONG  October 23, nagbukas na sa mga sinehan ang movie ni Sarah Geronimo mula sa Viva, ang Unforgettable. Sa unang araw nito sa takilya ay kumita ito ng P5.1-M. Mahina ito para sa isang Sarah movie dahil sikat na sikat siya. Dapat ay  double digit ang nakuha nito sa opening gross.

Tinalo pa ng movie ni Kim Molina na Jowable ang Unforgettable na noong nagbukas sa mga sinehan noong September 25, ay kumita ng P6-M.

O ‘di ba, isang Kim Molina na hindi naman sikat ay tinalo pa ang kinita ng movie ni Sarah?

Anong nangyari sa libo-libong tagahanga ng Pop Princess?  Bakit hindi sila lumusob sa mga sinehan para panoorin ang pelikula ng kanilang idolo?

Showing pa rin ang Unforgettable. Hindi lang namin alam kung magkano na ang kinikita nito. Pero sigurado naman kami na nadagdagan.  ‘Yun nga lang, hindi kami sure kung malaki ang nadagdag.

Pero sana makatulong ang magagandang reviews/feedback sa pelikula at sa akting ni Sarah na napakahusay daw bilang si Jasmine na may autism spectrum disorder (ASD) para mas panoorin ito ng tao lalo na ng kanyang mga tagahanga. Kami nga naengganyong panoorin ito. Gusto naming ma-witness kung gaano kaganda ang pelikula at kung gaano kagaling si Sarah.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

HATAWANni Ed de Leon BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay …

Leave a Reply