Wednesday , April 24 2024

Navotas hospital kinilalang ‘strong-partner in health service delivery’

Binigyan ng pagkilala ang pamahalaang lung­sod ng Navotas sa mahu­say nitong serbisyong pangkalusugan.

Nakatanggap ang Navotas City Hospital (NCH) ng pagkilala mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagiging “Strong Partner in Health Service Delivery.”

Tinanggap ni NCH director Dr. Christia Padolina, kasama sina Dr. Spica Mendoza-Acoba at Dr. Liberty Domingo, ang nasabing award sa LGU Exe­cutive Forum and Recognition ng PhilHealth Regional Office.

“Hatid ng award na ito ay karangalan sa ating lungsod. Pinapatunayan din nito ang ating pagsisikap na maibigay ang pinakamahusay na serbisyo publiko sa ating mga kapwa Navoteño,” saad ni Mayor Toby Tiangco.

“Maging inspirasyon sana natin ito para magsikap na patuloy na paunlarin ang uri ng serbisyong ating ibinibigay at mag-isip ng iba pang paraan para matulungan ang ating mama­mayan, lalo ang mga hirap sa buhay,” dagdag niya.

Napili ang Navotas batay sa tuloy-tuloy at progresibong inisyatibong pangka­lusugan.

Binanggit ng PhilHealth na noong 2005, sa ilalim ng pamumuno ni Tiangco, na-enroll ng Navotas ang 2,000 pamilyang Navoteño sa National Health Insurance Program (NHIP).

Sa parehong taon, naipa­migay sa mga pamilya ang Navotas Hospitalization Program (NHP) card na may lamang P5,000 na maaari nilang gamitin sa Tondo General Hospital.

Noong 2011, tinaasan ng Navotas ang hospitalization subsidy nito sa P25,000 at mas dumami ang mga partner hospital tulad ng Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center, Metropolitan Medical Center, at Valenzuela Medical Center.

Noong 2015, binuksan ang NCH na may 50-bed capacity at serbisyong tulad ng internal medicine, pediatrics, obstetrics and gynecology, surgery, ophthalmology at iba pa.

Nagsimula rin gumamit ng electronic medical records (EMR) at No Balance Billing scheme noong 2018.

Sa parehong taon, sinimulan ng lungsod ang pagpapagawa ng NCH extension na magdodoble ng bed capacity ng ospital mula 50 hanggang 100.

Noong 2018 binisita at pinuri ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang NCH dahil sa de-kalidad na mga pasilidad nito.

Dagdag pa rito, kinilala ng PhilHealth ang patuloy na pagsisikap ng Navotas na maparami ang mga health center na tutugon sa mga panga­ngailangang medikal at pang­kalusugan ng mamamayan.

Binanggit din niya na nga­yong taon, binuksan ng lungsod ang ika-25 Malasakit Center sa NCH at ang Navotas Wellness and Medical Center.

“Bahagi ito ng pangako naming ibigay sa mga Navoteño ang pinakamagandang serbi­s-yong nararapat nilang matang­gap. Hangad namin sa pamamagitan nito, matutulungan namin silang mapaangat ang kanilang buhay,” ani Tiangco.

                       (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *