Saturday , July 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Habang bisita si Pangulong Digong… Away ng Barretto sisters sa lamay ng tatay sumapaw sa isyu ng ‘GCTA’ at ‘Ninja cops’

ISANG ‘pambansang aliwan’ talaga ang showbiz sisters na walang ginawa kundi ipaglaladlaran ang away nilang magkakapatid sa publiko.

Ang alam lang natin, mahilig sa word war ang Barretto sisters, pero nagulat tayo sa pinakahuling insidente na para silang mga manok na panabong na nag-derby sa harap pa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi nga ni Senator Christopher “Bong” Go, kung ano ang nakikita o napapanood ng madla sa telebisyon kapag nanonood ng teleserye, ganoong-ganoon daw ang nangyari.

Kawawa naman si Pangulong Digong, nakiramay na nabastos pa?!

At kung hindi tayo nagkakamali, iisang tao lang ang pinagtatalunan, si Double A na open secret naman na malapit sa Barretto sisters gaya nina Claudine at Gretchen, at sabi nga maging ang pamangkin nilang si Nicole ay special friend na rin.

Kaya raw hinamon ni Ms. Gretchen na ilantad ni Ms. Marjorie ang erpat ng kanyang bunsong anak dahil parang nagmamalinis pa.

Asus!

Ay, ang masasabi lang natin, no need na, kasi alam na alam ng mga taga-Camanava ‘yan. Kahit itanong pa natin kay Usec. Alvin Feliciano.

Mantakin ninyo, dahil sa rambol ng Barretto sisters, natabunan ang isyu ng Good Conduct  Time Allowance (GCTA) at ‘ninja’ cops?!

Kaya maraming politiko ang natutuwa sa “the sisters” ‘e.

Buti na lang, hindi bumangon sa kinahihim­layan ‘yung tatay.

Arayku!

Kailan kaya matututuhan at maiintindihan nang todo ng Barretto sisters ang salitang behave at GMRC?

Tsk tsk tsk…

 

PASAY CITY BARANGAY
139 CHAIRMAN TARGET
NG DEMOLITION JOB

NAKALUSOT ang isang nagpakilalang John Santos na nagpadala  ng feedback sa inyong lingkod tungkol sa kanilang chairman.

Pero lumalabas na ‘yun pala ay demolition job laban kay Barangay 139 Chairman Palmos.

Unang-una, klinaro ng kampo ni Chair­man Palmos na wala silang botanteng John Santos.

Pangalawa, kung abusado umano at walang ginagawa si Chairman, hindi siya magiging 2-termer Sangguniang Kabataan (SK) Chairman at No. 1 Kagawad sa kanilang barangay at ngayon umano ay 3rd termer nang punong barangay.

Pakiusap lang po natin sa ‘hoax’ o ‘bogus’ na nagpapadala ng sumbong o hinaing, kung nanlo­loko lang kayo, tigilan po ninyo, kasi maapek­tohan po ‘yung mga gustong maglabas ng hinaing sa pamamagitan ng kolum na ito.

Gamitin po natin sa kabutihan ang kolum na ito huwag sa paninira at demolition job laban sa inyong mga kinakalaban.

Kung totoong mayroon kayong paninindi­gan, lumaban kayo nang harapan.

E paano maniniwala ang constituents na kaya ninyong mamuno kung hindi kayo makaharap kapag mayroon kayong reklamo?!

Huwag na po ninyong gamitin o kaladkarin ang kolum na ito.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *