Thursday , August 18 2022

DTI nagpayo sa publiko na gumamit ng certified BI-GI pipes para sa kaligtasan

PINAYOHAN ng Department of Trade and Industry -Bureau of Philippine Standards (DTI-BPS) ang publiko, lalo ang contractors, builders at mga may-ari ng hardware stores, na bumili lamang ng black iron and galvanized iron pipes (BI-GI) at tubes na nagtataglay ng kinaka­ilangang marka ng Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) bilang paalalang pangkaligtasan.

Ito ay bahagi ng walang humpay na standards enforcement campaign at market monitoring ng DTI sa buong bansa sa loob ng pitong taon sa kabila ng paglaganap ng mura, ‘di sertipikado, substandard at puslit na tubong bakal na labis na nakaaapekto sa kita ng mga lehitimong manufacturers na may ISO-certified factories at PNS 26:2018-compliant na mga produkto.

Ang naturang manufacturers ay may libo-libong manggagawa na umaasa sa industriya sa kanilang  ikabubuhay at nakapagpa­palago ng ating ekonomiya.

Bilang bahagi ng kanyang kampanya para siguraduhin ang consumer safety, hinahanap at sinisita ng kagawaran ang mga establisi­yementong nagbebenta ng uncertified, mababang uri o substandard na mga produktong nabanggit.

Bilang enforcement arm ng kagawaran, ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) sa pamamagitan ng Surveillance and Monitoring Division ay binabantayan ang mga presyo ng basic necessities at prime commodities at ang pagsunod sa Fair Trade Laws (FTLs) ng mga negosyo gayondin sa mga batas sa product standards bilang suporta sa Bureau of Philippine Standards (BPS).

Sinisiguro ng BPS na sinusunod ng naturang mga produkto ang napapanahong standards sa ilalim ng Mandatory Product Standard Certification Scheme.

Ang FTEB ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa  DTI-Regional Operations Group (ROG), lalo sa provincial at regional areas para tiyakin na ang Product Standards na napapaloob sa Republic Act No. 4109), Labeling (Article 77 of Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines), ay mahigpit na naipatutupad sa merkado.

Sa ilang taon ngayon, nagsagawa ang kagawaran ng mga pagsalakay sa ilang factories at hardware stores sa buong bansa na may lamang uncertified black iron (B.I.) at galvanized iron (G.I.) steel pipes.

Kamakailan lang, sinalakay at sinamsam ng FTEB ang mga uncertified BI-GI pipes mula sa hardware stores sa Tabang, Guiguinto, Bulacan – 990 pieces mula sa Morning Light Steel Marketing at 110 pieces mula sa Golden Hardware Store, lahat unbranded at walang kaukulang Philippine Standard (PS) marks.

Itong mga tindahan ay inisyuhan ng Notice of Violations (NOVs) batay sa Republic Act No. 4109 o  Philippine Standards Law, at RA 7394 o Consumer Act of the Philippines.

Hinimimok ang publiko na i-report sa FTEB  ng kagawaran ang mga bodega na pinagla­lagakan ng mga naturang produkto o ibinebenta sa hardware stores  sa buong bansa upang magawan ng kaukulang hakbang  para iyo’y samsamin.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Nature Herbs

Health frontliner na nakabakasyon pero tinamaan ng Omicron pinaigi ng Krystall Nature Herbs

Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m Carlos Alfon delos Reyes, 28 years old, working …

Zeinab Harake Rhea Tan Beautederm Koreisu Family Toothpaste Etré Clair

Zeinab ipinagmalaki ang fresh breath dahil sa Beautéderm, grateful kay Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BAKAS ang kagalakan kay Zeinab Harake dahil siya ang buwena …

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Cebu Pacific CebPac Gr8 8 8

Gr8 8.8 Seat Sale ng CebPac inilunsad

INILUNSAD ng Cebu Pacific ang kanilang special seat sale para sa parehong domestic at international …

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Zeinab opisyal nang oral care ambassador ng Beautéderm

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio OPISYAL nang inilunsad ng Beautéderm Corporation ang social media star na si Zeinab …

Leave a Reply