Thursday , January 27 2022

SunPIOLOgy Xone, muling pangungunahan ni Piolo

LABING-ISANG taon na palang ambassador si Piolo Pascual ng Sun Life Philippines at muli, nagsanib-puwersa sila para na naman sa isa na namang SunPIOLOgy, isang sporting event na layuning makahikayat pa ng maraming Filipino na magkaroon ng malusog na pamumuhay at pangangatawan.

Ang tema ngayong ika-11 taon ay SunPIOLOgy Xone na magtatampok sa Sun Life Virtual Run, Sun Life Cycle PH, at Sun Life Resolution Run.

“Sun Life aims to offer Filipinos more avenues to pursue their health goals. With SunPIOLOgy, we are able to make the pursuit fun and engaging through a variety of sporting events, while the charity component makes it more meaningful and memorable,” sambit ni Sun Life Chief Marketing Officer, Mylene Lopa.”We are thankful that as we mark 11 years of SunPIOLOgy, we continue to grow our community and effectively promote the importance of living healthier lives.”

Ang Sun Life Virtual Run ay isang long-distance race na ang mga participant ay mula sa iba’t ibang parte ng bansa na magtsa-challenge sa kanilang sarili na maka-accumulate ng layong 50 o 125 kilometers na puwedeng gawin sa loob ng 30 araw. Ang registration para sa Sun Life Virtual Run ay sa www.sunpiology.com at bukas hanggang October 14, 2019. Magsisimula ang takbuhan ng October 15-November 15, 2019.

Para naman sa Filipino’s growing love sa cyling ang Sun Life Cycle PH: Family bonding on wheels na ang ruta ay mula Bonifacio Global City hanggang Pasay City. Ang Sun Life Cycle PH ay magaganap sa November 23, 2019 at ang registration ay sa sunlife.cycleph.com at magsisimula sa November 22, 2019.

Exciting at energizing way to kick off Sunlife Philippines’ 125th anniversary sa 2020 ang Sun Life Resolution Run: Race to fight diabetes.

Tampok sa Resolution Run ang 125 Xone, na ang mga magsisitakbo ay dadaan sa “xones” na naka-align sa diabetes prevention theme. Ang 125 lucky runners naman na magwawagi ay magkakaroon ng electronic gift cards worth P1,250, na puwedeng ipalit sa ilang kaparehang stores.

Ang Sun Life Resolution Run ay magaganap sa January 18, 2020 sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Ang registration ay magsisimula sa November 15, 2019, sa www.sunpiology.com at sa selected Toby’s Sports Stores.

“What sets SunPIOLOgy apart is the community it has built through the years,” ani Piolo. “Each event is fun and exciting, and now, we are bringing the SunPIOLOgy brand of wellness to the virtual world so that we can motivate even more people. With this, I’m sure more Filipinos will experience what it means to live healthier and brighter under the sun.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply