Friday , May 24 2024

Pelikulang Marineros tribute sa seafarers, showing na ngayon

LABIS ang kagalakan ni Direk Anthony Hernandez sa tagumpay ng red carpet premiere ng pelikula nilang Marineros, Men In The Middle of the Sea last Sunday. Hindi lang kasi isa, kundi sa tatlong sinehan sa SM Manila ito ginanap at punong-puno ang bawat sinehan nito.

Bukod sa nagandahan ang moviegoers sa istorya ng pelikula, marami ang pumuri sa husay ng mga nagsipagganap dito sa pangunguna nina Michael de Mesa, Ahron Villena, at pati na si Direk Anthony mis­mo na gumanap sa pelikula bilang si Marigold, na isang gay performer sa cruise ship.

“Sobrang happy po ako na tatlong cinemas po ang binuksan ng SM Manila para sa premiere night ng Mari­neros. Plus, nakatataba naman ng puso na nakita n’yo naman Tito, ang tawag sa akin ng mga nakapanood na ng movie ay Marigold.

“Nakita naman po natin ‘yung mga viewers talagang as in namamaga ang mga mata nila. Talaga pong na-touch sila sa mensahe ng pelikula,” nakangiting saad ni Direk Anthony

Bukod kina Michael, Ahron, at Direk Anthony, ang Marineros ay tinatampukan din nina Claire Ruiz, Valerie Concepcion, Jon Lucas, Jef Gaitan, Paul Hernandez, at iba pa. Ang pelikula na nagpapakita ng realidad ng buhay ng mga seaman at seafarer.

Aminado si Direk Anthony na ang pelikulang ito ay inspired sa buhay ng relatives at close friends na mga marinero sa tanker vessels, cargo ships, at cruise liners na kapupulutan ng aral ng moviegoers.

“Marineros is a passion film and we are confident that Marineros, men in the middle of the sea is a perfect eye opener for everyone. Ang movie na Marineros ay inaalay namin sa lahat ng seafarers at maging sa OFWs nating nagpa­paka­hirap sa ibang bansa,” sambit ni Direk Anthony.

Bakit dapat panoorin ang Marineros?

“Dapat panoorin ang Marineros because rito ay tina-tackle iyong real life ng seafarers and also the family. Hindi lang seafarer, kasi makikita natin ‘yung values din ng movie na maging eye opener sa lahat hindi lang sa pamilya ng seafarer, maging sa mga estudyante, maging sa mga kaanak. Buong Filipinas o buong mundo dapat mapanood ang Mari­ne­ros dahil isang magan­dang pelikula ito na magbu­bukas aral sa mga mama­mayan,” wika ng prolific na advocacy director.

Nagpa­hayag naman ng kagalakan ang bida ritong veteran actor na si Michael matapos mapanood ang kanilang pelikula.

“Yes, first time kong napanood ito and happy ako sa movie. Kita mo naman ang reaction ng mga tao e, ‘yun ang mahalaga, ‘yung naging dating sa audience, happy ako roon.

“Iyong ending was really uplifting, e. After all the heartache noong umpisa, tapos nag-end in reconciliation and forgiveness. So happy ending talaga, sobrang nakaka-touch sa puso.

“Dito natin makikita sa movie iyong kahalagahan ng pamilya, iyong mga desisyon na gina­gawa ng bawat tao para maita­guyod nang mabuti ang kanilang mga pamilya at ‘yung sacrifices that goes along with it,” pahayag ni Michael.

Pahabol pa niya, “Kaya iniimbitahan ko po ang lahat na panoorin at suportahan ang Marineros, siguradong magugustuhan n’yo po, salamat.”

Ang Marineros ay mula sa Golden Tiger Films at Premier Dream Productions. Mapapa­nood na ito sa mga sinehan ngayong araw, September 20, nationwide.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *