Wednesday , July 6 2022

Sanya Lopez, excited makatrabaho si Nora Aunor

AMINADO ang Kapuso actress na si Sanya Lopez na magkahalong kaba at excitement ang naramdaman nang nalamang makakatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor para sa pelikulang Isa Pang Bahaghari. Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Sanya ang premyadong aktress.

Ayon kay Sanya, isang malaking karangalan sa kanya na makatrabaho ang People’s National Artist dahil noon pa niya ito pinangarap.

Pag-amin ni Sanya, “Umpisa pa lang talaga sobrang na-excite po ako at hindi po ako makapaniwala untill now. Kinakabahan din ako kasi alam kong maga­ling siyang umarte, alam kong magagaling lahat ng kasama ko… So, magkahalong kaba at takot po… pero nang magsama kami ni Ms. Nora sa storycon ay naging at ease na po ako sa kanya. Ang bait-bait po niya kasi. Kaya I’m very grateful talaga na maging part ng pelikulang ito.”

Pahabol pa ng aktres, “Sa ngayon ay binasa ko muna po ang buong script at napakaganda ng kabuuan ng istorya. Kahit ‘yung mga eksena po namin ni Ms. Nora ay matitindi dahil ang role po namin ay mag-ina kaya madalas po kaming magkaeksena rito.”

Gagampanan ni Sanya ang role ni Dolly, ang pinaka-batang anak nina Nora at Phillip Salvador sa naturang pelikula.

Mula sa pamamahala ng batikang direktor na si Joel Lamangan, tampok din dito sina Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Sanya Lopez, Joseph Marco, Albie Casiño, Maris Racal, Migs Almendras, Lloyd Samartino, Hero Bautista, Fanny Serrano, Jim Pebanco, Shido Roxas, Marie Preizer, at iba pa.

Ang Isa Pang Bahaghari ang ika-anim na pelikula nina Direk Joel at Ms. Aunor. Ang unang tandem nila ay sa The Flor Contemplacion Story, na sinundan ng Mu­ling Umawit ang PusoBakit May Kahapon Pa, Sidhi, at Hustisya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply