Wednesday , April 24 2024

Fan ni Heart na si Ghie Pangilinan, naging milyonarya dahil sa lakas ng loob!

FAN ni Heart Evangelista si Ghie Pangilinan. Lagi siyang nakatutok sa mga teleserye ni Heart, updated siya sa mga nangyayari sa buhay nito. Bukod sa avid fan, may mga personal na pangarap si Ghie na gustong marating kaya nagpursigi, dahil sa influence ng idolong si Heart, lalo na pagdating sa negosyo. Taglay ang lakas ng loob, kahit na ilang challenges na ang hinarap, she is now a successful online seller and no doubt, a millionaire. “Lakasan lang ng loob,” aniya.

Ghie’s story is very inspiring especially sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay dahil sa kahirapan. Ms. Ghie is a 38-year old mom of four. She is the eldest sa tatlong magkakapatid. Year 2003 nang nagsimulang maranasan ni Ghie ang mga pagsubok sa buhay. Kinailangan ng kanyang mister na sumakay sa barko noon at magtrabaho kahit one month old pa lang ang kanilang baby, para sa kanilang future. Sa mga sumunod na taon ay nag-business siya, ngunit hindi pinalad. Sinubukan din niyang magpunta sa Dubai, ngunit after two months ay umuwi dahil hindi nakahanap ng trabaho.

Taong 2010, pati online businesses ay pinasok ni Ms. Ghie. Sa Divisoria siya nama­makyaw ng mga produkto — gadgets, baby products, clothes, tsinelas at iba pa from China at US para ibenta. Kaso, wala pa rin nangyari. Noong 2013 ay pinalad sila ng kapatid sa rejuvenating skin care product ngunit may dumarating pa rin na pagsubok sa buhay nang may malakas at malaking brand ang pumasok noong 2014 na naging sanhi ng pagkalugi ng kanilang mga produkto to the point na nagsara ang branches nila sa mabilis na pana­hon.

“Masakit at naka­lulungkot ang nangyari pero wa­lang sukuan, laka­san lang ng loob,” saad ni Ms. Ghie.

Despite of all the hurdles, nanatiling matibay si Ms. Ghie kahit dumating sa punto na zero na ang lahat ng nego­syo nila.

Taong 2015 nang magkaroon ng kaibigan na skin care products manufacturer si Ms. Ghie, binigyan siya ng kaibigan ng terms and consign­ment para ma­kapagsimula ulit ng negosyo at kahit wala nang savings at ilang beses nang nabigo, tinang­gap niya ang bagong hamon. Nagtulungan sila ng mister niya sa bagong brand na ito na tinawag nilang Skin Magical.

Sa una ay naging mahirap ibenta ang products dahil bago pa sa market. pero sa sipag at tiyaga nilang dalawa, ito na pala ang susi sa kanilang tagumpay.

Fast forward to year 2016, naging malakas ang Skin Magical brand nila sa market. Nagawa nilang buhayin ulit ang Speaks G Brand at nakabili na sila ng mga sasakyan para sa kompanya. Nakabili na rin sila ng bahay at lupa. Naging maganda at maayos ang takbo ng kanyang skin care business.

Ngayong 2019, patuloy na namamayagpag ang Skin Magical business ni Ms. Ghie. Nagkaroon na siya ng mga branch sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sila’y tumutulong sa gustong mag-open ng negosyo at gaya ng ginawa sa kanya noon ng kaibigan, pinapautang niya ang deserving busi­ness-minded in­dividuals na gustong magnegosyo.

“All things are possible if you believe in the power of your dreams and hard work. Sabi nga, lakasan lang ng loob ‘yan. Huwag kang matakot magsimula!”

Saad pa ng Skin Magical matriarch na si Ms Ghie.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *