Saturday , July 27 2024

Dinaig ni Isko si Digong

PATULOY na umaani ng papuri mula sa publiko si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso sa pagiging deci­sive, isang pambihirang katangian na wala sa maraming nasa pama­halaan ngayon.

Kung hindi ikata­tangos ng ilong ni Mayor Isko, sa isang iglap ay biglang nalipat sa kanya ang dating paghanga ng marami kay Pang. Ro­drigo “Digong” Duterte.

Tatlong taon na ang lumipas pero hindi naga­wang maipatupad ng kanyang administrasyon ang pagbuwag sa illegal vendors, illegal terminals at obstructions sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila kaya’t nabistong inutil ang mga naitalaga ni Pres. Digong sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Narito ang mga reaksiyon mula sa ilang mambabasa ng pitak na ito at sa masusugid na tagapakinig ng programang ‘Lapid Fire’ sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM), na sabayang napapanood via live streaming sa You Tube at Facebook:

MYRNA GUILLERMO (West Palm Beach, Florida, USA): “Sadyang amazing talaga si Isko Moreno. I believed Bro. Percy hindi lang ang City of Manila ang may pagbabago, more of the reputations of the Mayor itself. Lahat naman po ay may himalang magbago, at sang-ayon ako sa mga positive comments and good remarks that you’ve given to the City Mayor. This is a good startups to Mayor and co-helpers, government officials, for the good governance. For convicted Erap and his allies, their final destiny has ended. It is sad to say it is bad memories for bad people like him and his allies, more of Erap families, my heartfelt sympathy.”

LINDA PUNZALAN (San Francisco, Ca., USA): “Gusto ko rin ngayon ang ginagawa ni Isko. Wow! Ngayon ko lang nakita na park pala ‘yung Lawton. Ka Percy, sana ‘yung Zamora St., going to Pandacan ay makita rin na may sidewalk pala. Kasi okupado na ng mga extented na bahay at store ang sidewalk. Ang mga bata na galing school from M. A. Roxas High School at Celedonio Salvador, doon na sa kalye nagdaraan. Marami nang nadidisgrasyang mga estudyante. Keep up the good work, Ka Percy, gumaganda ang Maynila at lahat ng sinasabi mo ay may sense at very informative talaga.”

REDY SAN MIGUEL. Tama ang lahat sinasabi mo, Ka Percy. May tindahan kami sa Divisoria no’ng araw, walang gumawa ng ginagawa ni Isko.”

ANNIE FLORMATA SALUDES (UP, Quezon City): “July 3, 2019 nang sabihin ni Ka Percy sa Lapid Fire na puwedeng maging Pangulo ng Filipinas si Mayor Isko.”

JHUNE BASA (Musician): “Puwede! Day 4 pa lang ‘dami na siya nagawa unlike Erap na binaboy at pinagkakitaan ang Maynila kung saan ako lumaki at ipinanganak! Keep up the good work, Mayor Isko!”

DAN AMANTE (Manila): “Sabihin na nating wala lang magawa si Isko dati kay Erap. Pero ngayong siya na ang mayor e doon mo makikita na malaki pala ang puso n’ya para sa kapakanan ng Maynila at ilang araw pa lang e kitang-kita na ang pagbabago sa mga lansangan na kanyang inunang ayusin.”

DAISY MAE VARGAS (Quezon City): “I’m really impressed, his bottled up goals, now getting materialized in such a short period of time. Idealistic young and good looking mayor is now trending. Keep up the good work Mayor Isko, nakabibilib talaga.”

MATEO MAGRACIA (Musician): “Basta’t tuloy-tuloy at huwag ningas-kugon lang. Dapat suportahan ng mga Manilenyo.”

GEORGE SANTIAGO (California, USA): “Always do the right thing Mr. Mayor, Congrat­ulations!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *