Monday , July 4 2022

Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden, inaabangan na nang marami

OBVIOUS na inaabangan nang marami ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa trailer pa lang ng movie nina Kath at Alden na inilabas last Monday, nagka­roon na agad nang higit 895 thousand views. Of course, nadag­dagan pa ito at ang teaser ay higit 2.5 million naman agad. As of yesterday, Tuesday ay may 1.5 million views na ang trailer nila sa Face­book, 1.6 million views sa Twitter, at 1.2 million views sa Youtube.

Sa mga positibong feedback sa movie nina Kath at Alden, siguradong mababawasan ang nararamdamang kaba ni Alden. Aminado kasi Ang Kapuso actor na may halong kaba siyang nararamdaman sa nalalapit na showing ng pelikula nila ni Kath.

Taliwas naman kay Kath na kompiyansang susuportahan at panonoorin ng fans nila dahil maganda ang kuwento at pagkakagawa nito. Plus, ito ay tribute nila sa ating OFWs na itinuturing na bagong bayani ng bansa.

Marami nga ang natutuwa sa chemistry nina Kath at Alden dito at may mga fan na kinikilig nang todo sa dalawa.

Ang pelikula ay hinggil sa istorya ng OFWs na sina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) na nakabase sa Hong Kong. Maki­kita sa trailer kung paano sila nag-struggle para piliin ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa o ang pagpupunyagi para sa kanilang mga pangarap sa buhay.

Nakita rin sa trailer ng movie ang mga hugot lines na viral na rin at sumikat na agad sa neti­zens tulad ng linya ni Kath na, “Kung mahal mo ako bakit pina­papili mo ako?” At ang dialogue ni Alden na, “I’ll take whatever you can give.”

Saad pa ni Kath sa isang panayam, “Nakatulong na isang buwan kami roon, so na-observe namin lahat ng mga ginagawa nila, ‘yun talaga iyong mga pinuntahan na­min, like sa Central. May­roon sila roong parang sama-sama every Sun­day. Kung paano ‘yung routine nila, kung paano sila sa mga alaga nila.”

Pinama­halaan ni Direk Cathy Garcia-Molina, ang Hello, Love, Goodbye ay mapapanood na sa mga sinehan sa July 31.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

politician candidate

Socio-political climber umaariba sa grupo ni congressman 

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang marinig na umaariba na naman …

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Leave a Reply