Thursday , June 4 2026

Sylvia, enjoy na enjoy sa pagba-vlog

V LOGGER ako!” Ito ang giit ni Sylvia Sanchez nang­kuwestiyonin ng mga kaibigang kasama sa pagbili ng cellphone kamakailan. Paano, anang  kaibigan ng aktres, kumbaga sa kotse,  ‘yung top of the line o pinakamahal at may pinakamalaking memory ang hinahanap nito.

At nang tanungin kung bakit ‘yun ang hanap ng aktres, sagot nito’y vlogger siya. At pinangatawanan nga iyon ni Ibyang (tawag kay Sylvia) dahil three weeks ago, inilunsad niya ang kauna-unahang vlog na may titulong Tungog na nasundan agad ng Tabuan, Budots, Patintero, Pinaiyak Nila Ako!, Life Lessons, at ang pinaka-latest, ang Dancing Queen.

May 15,600 views agad ang Tungog (episode 1) at may 9.2K subscribers na ang vlog ni Sylvia. Pinakamaraming views ang vlog niya na may titulong Tabuan. Ito ay may56,624 views at may 1.9K likes.

Isang simpleng Sylvia ang mapapanood sa Tabuan. Ang Tabuan ang pinaka-busy at mayamang public market sa Nasipit. Doo’y naka-duster lamang ang aktres nang magtungo sa palengke, ang Nasipit Public Market. Ani Sylvia, masaya siya kapag naroon dahil kilala siya bilang si Jojo (ang kanyang totoong pangalan) at hindi bilang artista na si Sylvia.

Ipinakita roon ang mga produktong karaniwang binibili niya tulad ng salbaro—kamoteng kahoy—na specialty sa Nasipit. ”Sanay sila na kapag Sunday namamalengke ako,”ani Sylvia.

Nakatutuwang mamalengke si Sylvia na tila gustong bilhin ang lahat ng paninda roon.

Pinakagusto kong vlog iyong pagpapakita ng kasimplehan ng mga anak niyang sina ArjoRiaGela, at Savi. Given na kasi ang pagiging simple ni Sylvia, pero ang kanyang mga anak na rito sa Maynila ipinanganak at lumaki, mga Inglisero pa, pero hayun napagbubuhat mo ng kaldero, napagliligpit, napagluluto ng lechon, at nakikihalubilo sa mga simpleng tao roon sa probinsiya. Aba kamangha-mangha itong ginagawang ito ng mga bata ha, kasi naman mayaman sila pero hayun at simple rin lang sila kapag nasa probinsiya ng kanilang ina.

Kaya masasabing, dito inilantad ni Sylvia na napagbubuhat niya ng kaldero ang binatang sosyal na sosyal sa ating paningin.

Isa lang ang ibig sabihin nito, maganda ang pagpapalaki nina Sylvia at Papa Art Atayde sa kanilang mga anak.

May nakapagkuwento pa nga sa amin na mas gusto ng bunso ni Sylvia sa probinsiya dahil masaya itong nakipaglalaro sa mga batang katulad niya roon.

Marami pang exciting at nakatutuwang topic si Sylvia sa kanyang vlog kaya watch n’yo na lang.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …