Thursday , July 7 2022

Romm inspired sa nakuhang award, wish sundan ang yapak ni Boy Abunda

SUNOD-SUNOD ang mga proyektong pinagkaka-abalahan ngayon ni Direk Romm Burlat. Siya ang director ng pelikulang Bakit Nasa Huli Ang Simula, ang first starring role ni Ms. Faye Tangonan with William Martinez, Lance Raymundo, Jay-R Ramos, Lester Paul, at iba pa. Bukod sa pagiging director at talent man­ager, bida rin siya sa katatapos na movie titled Tutop na pina­mahalaan ni direk Marvin Gabas. Ito ay isang horror film na tina­tampukan din nina Jay-R, Tonz Are, Faye Tango­nan, at iba pa.

Ang ilan sa highlights ng career ni Direk Romm ay Best Director for Agaw Pansin sa 4th Lutas Film Festival; Best Director, Ama Ka Ng Anak Mo sa DepEd, Best Director for Cuckoo sa 30th Asia Pacific Awards, Best Director sa Balikuko para sa 39th Dangal ng Bayan  Entertainment Awards at sa Star Buzz Awards 2019; at Best Director para sa Sindi sa Gawad Filipino Awards.

Nabanggit ni Direk Romm ang mga bago niyang projects. “Katatapos ko lang gawin ang If A Picture Paints and Aliw ng Baliw. Next projects ko, Nabulag Ang Buwan Sa Init ng Araw and Baklang Twooo. Sa commercials, nakadirek na ako ng dalawa, Manila Ocean Park, Uni ballpen and a spa. Gagawin ko ang 3rd commercial ko for a hotel, then for a chicken company,” aniya.

Recently ay nanalo rin siya sa 1st Southeast Asia Inter­national Achievement Awards bilang Best TV Talk Show host. Nabanggit niya ang kagalakan sa natamong achievement. “I feel elated, fulfilled and more achieved. I used to win Best Director and Best Actor Awards but first time for this kind of award.”

Sino ang mga idol niyang TV host? “I look up to Jay Leno because he is a comedian at the same time, so his show isn’t boring. Also, Regis Philbin of Who Wants To

Be A Millionaire. I had the privilege to have interviewed him in New York. Locally, I go for Edu Manzano, Billy Crawford and Boy Abunda. They are spon­taneous as interviewers. No dull moments.”

Since si Boy Abunda ang itinuturing na King of Talk, nasabi ni Direk Romm na wish niyang sundan ang yapak nito. “I would love to, wish kong masundan ang yapak niya. Like him, I want to do a showbiz talk show and a more in-depth discussion TV show,” saad ni Direk Romm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply