Saturday , July 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sino pa ba? Boksing tinapos na ni Alan Peter Cayetano

ISANG pagtitipon ang naganap kamakailan sa Clark, Pampanga kasama ang ilang Cabinet officials at mga mambabatas ng bagong Kongreso. 

Ang event na binuo ni Taguig-Pateros congressman Alan Peter Cayetano, ay masasabing unang pagkakataon na nagpulong ang mga senior Cabinet officials at mga miyembro ng Kamara de Representantes bago pa man magbukas ang Kongreso. 

Masasabing magandang pagkakataon ito para mapag-usapan ang mga programa ng administrasyon at gayondin ang mga planong panukala ng mga kongresista. Malaking tulong ito sa mga kongresista  na bubuo ng mga bagong batas dahil sa bibig na mismo ng Cabinet secretaries nila maririnig ang mga plano ng Pangulong Duterte sa natitirang tatlong taon ng kanyang termino bilang presidente.

Mga bigatin ang naimbitang Cabinet officials ni Cayetano — sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Transportation Secretary Arthur Tugade at Public Works Secretary Mark Villar. Sila ang madalas na makakasalamuha ng mga kongresista sa pagrerekomenda nila ng mga infrastructure projects sa national budget at pagbubuo ng mga batas na kailangan ng pondo. 

Si Cayetano lang ang nakapagbuo ng ganitong forum na dapat ay isang simpleng seminar lang ng parliamentary rules and procedures sa Kongreso para sa mga bagong mambabatas. Pero minabuti na ni Cayetano na maging mas makabuluhan ang pagtitipon kaya’t inimbita niya sina Dominguez, Tugade at Villar. 

May iba rin namang seminar on parliamentary procedures na puwedeng puntahan ang mga bagitong mambababatas, pero wala silang makakausap na Cabinet officials para mahingan ng payo o maidulog ang kanilang mga planong panukala. 

Dahil hindi naman nais ni Cayetano na magbida tulad ng iba, nakasaad sa imbitasyon: “Vision Into Reality” forum na ginanap sa Clark na hosted rin ng mga lider ng iba’t ibang political party, kasama sina  Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at Deputy Speaker Raneo Abu ng Nacionalista Party (NP);  San Juan Rep. Ronnie Zamora, Cavite Rep. Bambol Tolentino, Mandaluyong Rep. Boyet Gonzales at Laguna  Rep. Dan Fernandez ng PDP-Laban; at Antipolo Rep. Robbie Puno,  Dasma­riñas City Rep. Pidi Barzaga at Masbate Rep. Bong Bravo ng National Unity Party (NUP). 

Imbes atupagin ang pamimili ng boto o pangangako ng pondo  tulad ng ginagawa ng ibang kandidato sa pagka-Speaker, ang naisip na gawin ni Cayetano ay tipunin  ang mga kapwa kongresista at Cabinet officials para maipali­wanag nang mabuti ang programang reporma ng Pangulong Duterte. 

Ganyan dapat ang pag-iisip at saloobin ng isang Speaker. Hindi na bago ito kay Cayetano dahil dati na rin siyang naging senador at congressman. Alam niya ang kahalagahan ng mga ganitong briefing at pagpupulong sa mga miyembro ng Gabinete bago pa man magbukas ang Kongreso.

Dating foreign affairs secretary rin si Cayetano ni Pangulong Duterte kaya’t alam din niya ang mga prayoridad ng Malacanang. 

Kaya alam ni Cayetano na  isang malaking tulong ang forum para sa mga mambabatas. Pero may ilang kampo na gustong lagyan ng malisya ang isinagawang pagtitipon. Parte raw ito ng pangangampanya ni Cayetano para sa pagka-Speaker. 

Gayong hindi naman pangangampanya ang layunin ng forum, e kung nagpipilit silang gawing poltikal, sige, kung talagang pinipilit nila. Eto ang pag-isipan nila ngayon: Si Cayetano lang ang may kakayahang lumapit at paunlakan agad ang kanyang imbitasyon ng mga Cabinet officials na malalapit sa Pangulong Duterte. Ang mga inimbita ni Cayetano, lalo si Dominguez, ang pinapakinggan ng Pangulo.

O, paano ngayon ‘yan? Tapos na ang laban?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *