Tuesday , July 5 2022

Andrew Gan, thankful sa mga project sa GMA-7

NAGPAPASALAMAT si Andrew Gan sa magagandang role na natotoka sa kanya lately. Isa na rito ang guesting niya sa Wish Ko Lang last Saturday na pinagbidahan ni Yasmien Kurdi.

First time siyang gumanap na kontrabida rito na ganoon katindi ang charcter, three times ni-rape si Yasmien. Kaya naman ami­nado si Andrew na sobra siyang na-challenge sa kanyang role rito.

Sinong kontrabida ang naging peg niya rito? “Si Joker! Hahahaha! Heath Ledger tito!” Nakatawang sambit niya.

Dagdag ni Andrew, “Actually wala naman siya sa script. Pero naisip ko, ayaw kong maging the usual na kontrabida, gusto kong malagyan ng different flavor. Kaya kinausap ko si direk Rember. Good thing he is very open sa suggestions at tinulu­ngan din niya ako.

“Actually, challenging ang kontrabida, kasi never pa naman akong naging kontrabida na ganoon kalala, so bago sa akin. Mas masarap maging villain kasi mas malawak ‘yung range na puwede mong gawin. Tapos psychotic pa na mamamatay tao. Iyong character na ganoon… generic lang kasi siya na goons.”

Mapapanood din very soon si Andrew sa Dear Uge, sa ibang klaseng romcom kapareha si Cai Cortez. ”Si Cai, very generous when it comes sa scenes. Mara­mi kang mapupulot sa kanya,” aniya. Pahabol ni Andrew, “Thank­ful ako sa mga project at sa chance na ibinibigay sa akin. Kaya sabi ko sa sarili ko, every project, every role, at every scene na gagawin ko, isasa­puso ko, maliit man or malaki ‘yung role.”

Si Andrew ay bahagi rin ng Batang Poz sa iWant ng Dreamscape at sa horror series na Cuerpo Y Alma.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …

Leave a Reply