Tuesday , June 25 2024

3rd EDDYS Nominees Night, sa Sabado na

BAGO ang pinakahihintay na Gabi ng Parangal, magsasama-sama sa gaganaping nominees night ang mga nominado sa 3rd EDDYS(Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), bibigyan ng pagkilala ang lahat ng mga nominado sa paglalabanang 14 kategorya sa June 15, 6:30 p.m., sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Personal na ipamamahagi ng mga opisyal ng SPEEd at FDCP, sa pangunguna ni Chairperson Liza Dino, ang certificates of nomination.

Samantala, ang 3rd EDDYS naman ay gaganapin sa July 14 sa New Frontier Theater (dating KIA Theater).

Ang Cignal TV ang isa sa major sponsors/presenters ng 3rd EDDYS habang ang Echo Jham Entertainment ang hahawak sa production, sa pangunguna ng direktor na si Calvin Neria. 

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa Colours Channel ng Cignal TV sa July 21.

Nominado bilang pinakamagaling na pelikulang Filipino ang Citizen Jake, Goyo, Liway, Rainbow’s Sunset, at Signal Rock.

Ang mga direktor namang sina Chito Roño (Signal Rock), Jerrold Tarog (Goyo), Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset), Kip Oebanda(Liway), at Mike de Leon (Citizen Jake) ang mag-aagawan sa best director trophy.

Para sa best actress category, maglalaban-laban sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Gloria Romero(Rainbow’s Sunset), Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Kathryn Bernardo (The Hows of Us), Nadine Lustre (Never Not Love You), at Sarah Geronimo (Miss Granny).

Magpapatalbugan naman sa pagka-best actor sina Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Carlo Aquino (Exes Baggage), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us), Dingdong Dantes (Sid & Aya), Paolo Contis (Through Night & Day), at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).

Bukod sa major acting at technical awards, anim na special awards din ang ipamimigay ng EDDYS: Ang Joe Quirino Award, na igagawad sa TV-radio host-columnist na si Cristy FerminManny Pichel Award para sa entertainment columnist/talent manager na si Ethel Ramos;Rising Producers’ Circle Award na ipagkakaloob sa Spring Films at T-Rex EntertainmentProducer of the Year para sa Star Cinema;Lifetime Achievement Award sa premyadong direktor na si Elwood Perez; at ang posthumous recognition para sa Comedy King na si Dolphy.

Bibigyang-parangal din sa ikatlong taon ng EDDYS ang 10 movie icons na sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda, at Lorna Tolentino.

Bilang bahagi naman ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Filipino, kikilalanin din ng SPEEd at ng FDCP ang ilang “unsung heroes” sa likod ng kamera sa EDDYS’ Parangal sa Sandaan, na ia-anchor ng TV host-journalist na si Lourd de Veyra. 

Honorees dito ang mga manggagawa na patuloy na nag-aalay ng ‘di matatawarang oras, lakas, at talento upang pagandahin ang isang proyekto.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale, at patuloy na bigyan ng inspirasyon ang Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets and tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Ian F. Farinas bilang presidente. Si Isah Red ang chairman emeritus ng organisasyon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *