Saturday , July 2 2022
Sue Ramirez at Dr. Vicki Belo para sa Belo Thermage FLX. Kasama rin sa picture sina Kyler, Robi Domingo, Sue Ramirez, Kristel Fulgar, Joao Constancia, Inigo Pascual, at Markus Paterson.

Sue, naiyak sa Belo billboard

KAPANSIN-PANSIN ang lalo pang pamumukadkad ng kagandahan ni Sue Ramirez. Ang dahilan, gumagamit din siya ng latest version ng anti-aging machine, ang Thermage FLX ng Belo Medical Group.

Ang nangungunang aesthetic at dermatological clinic sa bansa ang unang nag-offer at nagpahayag ng magagandang naidudulot ng newly-launched Thermage FLX, na siyang fourth-generation version na mayroong improved technology at nagbibigay ng higher patient comfort at significantly enhanced results.

Aware si Sue sa magandang naibibigay ng Thermage FLX dahil matagal na siyang Belo baby at kaya naman ginamit niya rin ito.

Sabi nga ni Sue, “its virtually painless and there’s absolutely no down-time.” She reveals that it does wonders for her greatest insecurity,   her double chin.  “I’ve also always been teased  for my ‘siopao face.’  But after trying Thermage FLX, I saw the effects immediately. I know its going to be better in the coming months.”

Kasabay ng pagdiriwang nina Sue at Belo noong May 12 ng kanilang partnership kasama ang kani-kanilang kaibigan at pamilya, inilunsad ang kauna-unahang billboard ni Sue sa Las Casas Filipinas sa Quezon City. Umapaw ang masasarap na pagkain na inihanda ng isa sa  top chef, si Margarita Fores kasama ang napakagandang venue na inayusan ni Robert Blancaflor. Nilagyan niya ito ng iba’t ibang klase at maraming bulaklak bilang pagpapakita rin ng pagyabong ni Sue.

Dinaluhan ang naturang event ng Doctor to the stars na si Dr. Vicki Belo na siyang naghayag kay Sue bilang mukha ng Belo’s latest Thermage FLX billboard.

Ani Dr. Belo, ang Thermage ay hindi lamang para sa may mga edad 40 pataas. Kahit ang mga tulad ni Sue ay puwede ring gumamit nito para mapanatili lalo ang kabataan at kagandahan.

“With K-pop beauty becoming popular more and more, people want smaller faces. Sue , for one needs it more because of her job. She wanted to address her double chin and make her face a bit smaller. I think we found a procedure that would fit most everybody. This new generation of Thermage has proven to be wonderful for both the patient and the doctor. For the patient you get much more effectivity. You get much lifting and tightening and lifting instantly, esp. in the forehead. Of course there is the real effect of collagen deposition and elastin in three months so it only gets better. For the Doctor, it is much faster because it has a bigger foot and its much easier to use. It really treats laxity and sagging which is the most common problem for Asian skin.” paliwanag ni Dr. Vicki.

Emosyonal nga noong gabing iyon si Sue nang pasalamatan ang   kanyang Belo Family para sa kauna-unahang solo billboard. “Alam ng pamilya ko ito, pangarap kong magka-billboard sa EDSA. Nagkatotoo na! Thank you Dr. Belo.”

Bukod dito, nasorpresa rin si Sue nang haranahin siya ng isa sa kanyang mga kaibigan, si Inigo Pascual.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply