Monday , July 4 2022

Grace Poe, nagpasalamat sa malaking panalo

NANGUNGUNA sa lahat ng survey si Senadora Grace Poe kaya maraming nagulat at nagtaka kung paano siya nalagpasan ni Senadora Cythia Villar sa hindi opisyal na bilang ng mga balota.

Gayonman, nagpasalamat pa rin si Poe sa pagpuwestong No. 2 dahil bilang indepen­diyenteng kandidato wala siyang sinandalang partido o grupo at lalong hindi siya inendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpanalo sa lahat ng pumasok sa Magic 12.

“Ang ating panalo ay tagumpay ng inde­pendiyensiya ng ating mga kababayang hindi tayo pinabayaan,” sabi ni Poe sa kanyang opisyal na pahayag kamakalawa.

“Isang taos-pusong pasasalamat sa napa­kalaking mandato. Tumakbo tayo bilang isang independiyente, walang partido, kakaunting organisadong grupo, at walang malalim na balon ng pinagkukunan.”

“Sa ating pagbabalik sa Senado at pagharap muli sa taong bayan, wala tayong ibang pasanin kundi ang kanilang interes at kapakanan,” dagdag ni Poe. “Patuloy tayong magiging independiyente, mabusisi at patas, habang isinasaisip at isina­sapuso na mula sa taumbayan ang posisyong ito.”

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply